#71- CUPCAKES

7 0 0
                                    

Minsan talaga yung mga hindi natin inaasahang magloloko sila pa yung mas may kakayahang manloko.

Magang-maga ang mata ni Robin kinabukasan ng magising sila, maybe nag-usap sila ni Henry. Pareho silang walang imik sa hapag. Ako na ang nagluto para sa amin dahil naglalaba si Manang.

"Coffee, anyone?" Tanong ko matapos ihain ang fried rice, hotdog at itlog sa lamesa.

"Black" si Nikki

"Ako na magtitimpla ng sakin" sabi ni Henry at tumayo.

"Ikaw tol?" Tanong ko kay Robin.

Tamad na tamad siyang tumango.

Siguro nga sadyang may mga pagkakataong binabasura ng iba ang siyang pinapangarap mo gaya nga ng sabi sa kanta ng parokya ni edgar na halaga.

"Kawawa naman si Robin" bulong ko kay Henry habang nagtitimpla kami ng kape.

Nagkibit balikat lang siya at nagsalin ng mainit na tubig sa mga tasa.

Tahimik naming sinimulan ang agahan.

"Any plan for the two weeks summer vacation?" Tanong ko at sumubo ng kanin.

"Beach?" Nikki asked at dumekwatro.

"Ikaw Dad?" Tanong ko kay Henry na nasa tabi ko.

Tinignan ako ni Henry at pinunasan pa niya ang gilid ng labi ko.

"We can do that for two or three days" kibit balikat niya.

"Limited lang kasi ang summer vacation" nakangusong sabi ni Nikki.

Tumango ako "third week of april, enrollment na ng summer class, by may, pinning na nila" tinuro ko pa si Henry.

"After summer class, releasing of grades then enrollment na ulit." Sabat naman ni Nikki.

Napanguso ako "may college retention exam pa"

"Magtetake ka pa ba no'n?" Tanong sakin ni Henry.

Nagkibit balikat ako "Im not yet sure, Dad" sagot ko.

Nanahimik kami sa pag-iisip para gawan ng schedule ang pinaplano naming pag-bi-beach.

"Good luck!" Niyakap ko si Pat, Nikki at Red.

"Thank you" nakangiting sabi ni Red at tinapik pa ang balikat ko.

"Galingan mo. Sunduin ka namin mamaya" sabi ko kay Nikki.

Nakangiti siyang tumango sa amin ni Henry.

"So.. May reregaluhan pala ako" nakangising sabi ni Henry.

Nginitian ko siya "oo naman. 1.15 yun noh!" Pagmamalaki ko pa sa grades ko.

"Ang yabang talaga!" He said "tara sa mall" dagdag pa niya at inakbayan ako.

After CRE namin naisip na mag-beach, bali mamayang gabi na iyon.

Nakarating kami ng mall sakay ng sasakyan niya.

Nagtaas siya ng kilay habang nasa department store kami at namimili ng damit.

"Ano ba dress o shirt o pants?" He asked habang inililibot ang mata sa women's section.

Nginisian ko siya "pwede bang, maghanap ka nalang ng babaeng para sayo?"

Pinaningkitan niya ko ng mata.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon