#73- REGRETS!!

7 0 0
                                    

Alam mo yung malapit na? Yung abot kamay mo na? Yung iikot ka nalang sa likod mo? Andun na eh! As in konting-konti nal----

"Peste kayo!" Binato ko ng buhangin ni Julius.

"Easy!" Natatawa pang awat niya.

Gabi na pero ako ito makakapatay pa rin sa sobrang inis.

Ano nga bang nangyari kanina?! Wag niyo na alamin peste! Pero sige ikukwento ko na.

Ayun nga! Lilingon na dapat ako sa likod kaso may biglang may nagpiring sakin kasunod ang naramdaman kong pagtali sa kamay at paa ko.

"See you when I see you Ate!" Rinig ko pang sigaw ni Ran.

"Ibaba niyo koooo!!!" Gigil na sigaw ko at hinampas ang likod ng may buhat sakin at base sa amoy ay si Henry.

"Peste kayo ibaba niyo ko!" Naiiyak na sabi ko pero hindi sila huminto.

Hindi nila ko pinagbigyan.

Nagulat pa sila ng makitang humihikbi na ako ng ibaba nila ako kung saan. Dali-dali nilang inalis ang piring ko at nasapo ko nalang ang mukha ko at umiyak sa palad ko.

"Kalasan niyo na" dinig kong sabi ni Ate Julie.

Marahang kinuha ni Henry ang kamay ko at ginupit ang nakatali sa kamay ko at isinunod niya ang nasa paa ko.

May inihanda pala silang surprise na naisip daw ni Henry, kaso sila ang nasurprise sa pag-iyak ko.

Lahat sila naiwang nagtataka at tanging si Henry at Julius lang ang nakaka-alam kung bakit ako umiyak.

I blame them big time at kung hindi ko lang napigilan ay baka namura ko rin sila.

"Peste talaga kayo!" Nakangusong sabi ko at tinungga ang beer na hawak ko.

Nag-iinuman kami ngayon sa harap ng bonfire na ginawa namin sa tapat ng villa.

Hindi ko kinikibo si Henry. May sariling kwentuhan si Ate Julie, Ate Chris at Nikki. Katabi ko si Gab sa kanan, si Julius sa kabila tapos si Henry at BJ.

"Oy kalma!" Awat sakin ni Julius at ibinaba ang boteng iinuman ko sana.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hinayaan rin naman niya ko bandang huli. Ininom ko ulit ang beer na laman ng bago kong bote.

Ang sama-sama talaga ng loob ko. Dagdag mo pang naka-alis na sila ng bumalik ako ng hapon sa lugar na iyon.

Hindi ko na alam kung nakailang bulong ako ng mura at bote ng beer. Nanlalata talaga yung pakiramdam ko pero alam mo yung may magkamali lang ng salita sakin ngayon makakapanapak talaga ko!

Inubos ko ang laman ng bote ko at tumayo.

"San ka?" Tanong ni Julius.

Nahagip pa ng mata ko ang pag-iwas ng tingin ni Henry sabay inom.

"Maliligo" padarag na sabi ko at walang pakundangang hinubad ang maxi dress ko at bumungad sa kanila ang peach two piece bikini ko.

Ipinusod ko ang buhok ko at hinubad ang tsinelas.

"Uy maginaw na" habol pa sakin ni Nikki pero hindi ko na siya pinansin at tumakbo papuntang dagat.

Dulo palang ng daliri ko ang nadadampian ng tubig dagat ay umakyat na agad ang lamig sa buong katawan ko. Napailing ako at itinuloy ang paglusong.

Hanggang tuhod na ang tubig ng may humawak sa braso ko.

"Hinahanapan mo ba ng sakit ang sarili mo?!" Pigil sigaw na sabi niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Ano ba?!" Inis na sabi ko at inagaw sa kanya ang braso ko.

Sinamaan niya ko ng tingin at hinawakan ulit ang braso ko.

"Pwede ba wag ng matigas ang ulo?!" Inis na sigaw niya.

"Nakaka-inis kasi kayo eh!" Napanguso at kasunod nun ay napahikbi na ako.

Hinatak niya agad ako at isinandal ang mukha ko sa dibdib niya.

"Hindi ko talaga alam. Please.. Sorry.. Im sorry" Henry said at mahigpit akong niyakap.

Napalis ang ginaw na nararamdaman ko dahil sa yakap niya. Pero hindi naalis no'n ang panghihinayang na patuloy umaahon sa puso ko.

Ilang saglit lang ay may naramdaman na akong mainit na tela sa likod ko. Ipinasuot niya sakin ang jacket na hindi ko napansing dala pala niya.

Iginiya niya ako hanggang pampang sat magkatabi kaming naupo sa buhangin.

"Sayang.." Nanghihinang bulong ko.

I don't know how to deal with this feeling. May paro-paro sa sikmura ko pero parang iisa lang. Kulang..

Ayan nanaman yung pakiramdam na kulang!

Niyakap ko ang tuhod ko at pinanood ang paghampas ng alon sa dalampasigan.

"Ano bang pwede kong gawin to lighten up your mood?" He asked.

Turn back time and abort that stupid plan of yours para nagkita na sana kami ni Rodney!

"Wala" tanging naisagot ko.

Maingay siyang bumuntong hininga saka tumayo.

"Piggy back ride?" Tanong niya.

Walang gana akong tumayp at umiling "I can walk" sabi ko at naunang naglakad.

Dinaanan ko sa bonfire at maxi dress at tsinelas ko. Pinanood lang ako ng mga kaibigan ko at hindi ko na sila pinansin. Pumasok na ko sa villa namin. Naligo, nagbihis, humiga at pinilit makatulog.

Kahit hilo ako sa alak ay ayaw akong patulugin ng isip ko. Ilang oras na akong tulala sa kisame ng maingay na pumasok ang mga kaibigan ko. Una akala ko girls lang ang pumasok pero ng makadinig ako ng nagtatawanang lalaki humarap ako sa wall na nasa tabi ng kama ko at tinakpan ang buong katawan ko ng kumot.

Umuga ang kama ko ng may umupo. Hindi ako gumalaw at nanatili akong tahimik, nagpapanggap na tulog.

Akala ko nung una ay nakiki-upo lang ang kung sino sa kama ko, pero ng maramdaman ko ang pagdagan ng braso sa bewang ko. Nanigas ako. Lalong hindi ko nagalaw ang katawan ko.

Naramdaman ko ang pagpatay ng ilaw, ang pagtahimik ng kwarto at ang pagsara ng pinto.

Nangilabot pa ako ng marinig ang mahinang hikbi ng taong nsa tabi ko. Kunoy noo kong ibinaba ang kumot na nakatakip sa mukha ko at dahan-dahang gumalaw para lingunin ang katabi ko.

"Im really sorry En.." He whispered.

Napaayos ako ng higa at iginiya siya umunan sa braso ko na pinagbigyan naman niya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Wag ka ngang umiyak!" Saway ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.

"Sorry.." Bulong niya.

Bumuntong hininga ako "ayos na yun, Dad. Ayos lang" kasi wala naman na kong magagawa kasi nangyari na. Para saan pa kung sisisihin kita? Pareho lang tayong mahihirapan.

Hinigpitan niya lang ang yakap niya at pasimpleng nagpunas ng luha sa sleeve ng tshirt ko.

"Sige na. You can sleep here" malambing na sabi ko.

Umayos siya at ako ang pinaunan niya sa braso niya. Dinampian niya ng halik ang noo ko.

"If I get a chance ako mismo ang tutulong sayo. Sa inyo" he said at dinampian ulit ng halik ang noo ko.

Ngumiti ako "we don't need someones help, Dad. Kasi kung kami talaga, kahit anong mangyari, kami talaga." Sabi ko at saka ipinikit ang mata ko.

Saglit na napanatag ang loob ko, I think I master the art of convincing myself.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya bago ako hinila ng antok papunta sa panaginip.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon