Hinaharot ko ang pamangkin ko habang naglalaba ang hipag ko. Maya't-maya rin ang nagiging pag-ngiti ko pag nasusulyapan ang wallpaper ko. Bago na cellphone ko oy!
Picture namin ni Rodney habang naka-akbay siya sakin at naka-korteng heart ang kamay namin. Kilegs!
"Pero En inlove ka?" Mapang-asar na sabi sakin ni Ate Chinny.
Nginusuan ko siya "sobra! Huhu!" Atungal ko pa at tumawa siya.
"Naku! Ipakilala mo sakin yang Rodney na yan ah!" Nakangiting sabi niya pa.
"Oo naman, pag pumunta ka sa graduation ko" nginisian ko pa siya.
"Sus! Ipasa mo muna ang third year bago ka umasam ng graduation!" Pang-aasar niya pa.
Nginiwian ko siya "sure win na yun! Di ba baby!" Kinurot-kurot ko pa ang pisngi ni Baby Kia habang busy sa paglalaro sa jelly ace na pasalubong ko sa kanya.
Two days na ako dito kila Kuya at plano kong umuwi ng Dec.28, dahil pumayag si Mommy na mag-new year ako kila Rodney.
"Kinukwento rin ni Mommy yun sa kuya mo" sabi pa ni Ate.
Napangiti ako " ewan ko ba kay Rodney, siya unang kumontak kay Mommy eh"
"Ayos nga eh, bilib rin kaya Kuya mo"
"Nako! If I know! Mang-aasar lang yun!"
"Alam mo naman Kuya mo, mang-aasar lang pero love ka nun"
Napangiwi ako "di nga ko dinadalaw eh"
Tumawa pa si Ate "busy siya eh"
Sasagot pa sana ako ng mag-ring ang cellphone ko. Nagpaalam ako kay Ate para masagot ang tawag.
"Kia dyan ka lang ah" sabi ko pa sa pamangkin ko at lumabas ng bahay.
Hello.
Hi nget..
Agad akong napangiti ng malawak.
Hi
Kamusta ka dyan?
Ayos lang. Nilalaro ko si Kia kanina.
Miss na kita.. Bigla siyang bumuntong hininga.
Napalawak lalo ang ngiti ko at napatingin sa suot kong sing-sing.
Miss na rin kita.. Bumuntong hininga rin ako sabay namulsa.
Sobra..
Sobra..Sabay naming nasabi at nagkatawanan nalang kami.
Ba't nasa labas ka?
Biglang tanong niya at agad nagkarera ang mga daga sa puso ko.
Huh?!
Narinig ko ang pag-ngisi niya
Naririnig ko kasi yung mga tricycle..Paliwanag niya at napa-face palm nalang ako at agad na nakaramdam ng hiya.
Bakit akala mo sinundan kita? Tumawa pa siya at lalo akong nahiya.
Pakshet na yan!
Hindi noh! Akala ko manghuhula ka na! Pagdadahilan ko, tumawa siya at napakagat ako sa ibabang labi ko.
I'll call you later, may gagawin lang ako.
Sige hintayin ko nalang. Nakangiwing sabi ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Ficção AdolescenteLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015