Parang hangin na nagdaan ang break at balik eskwela nanaman. Kailangan nanamang gumising ng maaga, magluto ng sariling pagkain at pumasok ng walang pinagpapa-alamanan.
"Kamusta ang break?" Nakangiting bungad sa akin ni Mav.
Niyakap ko naman siya at binati ng happy new year.
"Okay pa sa okay!" Masiglang sabi ko at kinindatan pa siya.
"May nag-new year sa pugad ng mga Mercado!" Pang-aasar sakin ni Joy saka yumakap.
Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi mawala ang ngiti sa labi ko "paano mo nalaman?"
Ngumisi siya "nakita ko sa facebook ni Raniel, yung kapatid ni Rodney"
Napangiti ako ng matamis saka umupo sa upuan ko.
"Nako!!"
Agad kong iniharap ang palad ko sa kanya "hindi pa kami" nakangiting sabi ko.
"Pa! Meaning magiging palang! Oh my Gaaaaaahhhhdddd!" Malanding tili niya at natawa na lang ako.
"Nanliligaw na?!" She asked.
Sabik na sabik sa tsismis!
Napatawa ako saka umiling.
"Ay gago!" Biglang matamlay na sabi niya at natawa pa ako lalo.
"Hindi nga?!" Pamimilit pa niya.
Ngumiti lang ako at umiling.
"Kala ko naman.." Pabitin na sabi niya at tinabihan na ako.
Lahat ng teacher ay kinamusta ang break namin, ang ilang nagpasulat ng new years resolution ang iba essay about the christmas break, ang iba naman ay piniling wag ng pumasok sa klase.
"Tara Nget, baba tayo" aya niya sakin.
Nginusuan ko lang siya bago sumama sa kanya pababa.
Hinihintay ko siyang makabili ng pagkain habang naglalaro sa phone ko ng may humila ng upuan sa harap ko.
"Happy new year" he said.
Napa-angat ako ng tingin saka siya nginitian.
"Happy new year Carl"
Ngumiti rin siya at napatingin sa daliri ko "Im happy for you" he said.
Matamis akong napangiti at tinignan ang sing-sing ko "thank you"
Tumango siya saka tumayo ng dumating si Rodney.
Wow! What a fresh start!
"Anong kailangan non?" He asked habang inilalagay sa harap ko ang sandwich at c2.
Ngumiti ako "masaya daw siya para satin"
Ngumiti rin siya saka nagsimulang kumain.
Bawat madaan na kakilala ko ay bumabati ng happy new year at ginagantihan ko naman sila ng matamis na ngiti at binabalik ang pagbati nila.
"Wow!" Nakangiting sabi ko ng makabalik kami sa classroom.
Ngumiti si Rodney "wow talaga! You smiled to everyone today" he said.
Napangiti ako ng malawak saka napiling lumabas at dumungaw sa quadrangle.
"I feel so blessed!" Nakangiting sabi ko at sinalubong ang hangin.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Novela JuvenilLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015