Mabilis lang talaga ang panahon, bumabagal lang ito kapag may hinihintay ka.
Gaya ng inaasahan ay mataas ang grado ko sa nagdaang midterm examination. Malapit na rin ang inter-college folk dance competition kaya pukpukan na rin ang practice.
Febuary, valentines party. Nagsuot ako ng pulang knee level na off shoulder spaghetti strapped dress na may butterfly design sa laylayan. Halos ipampaligo ko ang pabango ko. Isinabit ko sa balikat ang chain ng itim kong purse at nagdesisyon na akong bumaba para makapunta na sa main campus kung saan idadaos ang nasabing party.
Napangiti pa ako ng may sasakyang nag-hihintay sa akin. Nakasandal siya sa sasakyan, nakapamulsa at nakayuko. He's wearing a simple vneck white shirt as inner and a black cardigan na nakalukot hanggang siko ang sleeve at itim na fitted pants and a topsider. Hot!
Tuluyan na akong lumabas ng gate at nakangiti siyang nag-angat ng tingin.
Lumawak pa ang ngiti ko ng humakbang siya palapit sakin at agad ipinulupot ang braso sa bewang ko."You look... Wow!" Namamanghang sabi niya na tila ba hindi makahanap ng tamang salita para ilahad ang kung ano mang nakikita niya ngayon.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at niyakap niya ko.
"I thought I am going to be with my angel tonight" nakangising sabi niya at umikot kami para makasakay na ako.
Pinagbuksan niya ako ng pinto "i never thought I'll have a goddess beside me tonight" nakangiting sabi niya.
Tumawa ako ng mahina "bolero!" Sabi ko at naiiling na pumasok sa sasakyan niya.
Inayos niya ang seatbelt ko at napaiwas ako ng tingin sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nakita ko ang marahang paglunok niya ng gumalaw ang adam's apple niya. Nginitian ko siya at agad ring napawi ng bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napakagat siya sa ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin, kasunod non ang paglock ng seat belt ko at agad rin siyang lumabas at isinara ang pinto. Umikot siya para makasakay na din. Nakita ko pa ang pagbuntong hininga niya bago siya sumakay.
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya tutok sa daan.
"Don't... Stare" napapalunok na sabi niya.
Natawa ako ng mahina. So I have that effect on him.
"Allen!" Saway niya at nilingon ako ng matraffic kami.
Tinaasan ko siya ng kilay "what?" Natatawang tanong ko.
"You'll stop staring or I'll kiss you?" Banta niya.
Kumalabog ang puso ko hindi dahil sa pagkabigla kundi dahil sa bigla kong narinig ang boses ni Rodney. Napapikit ako ng mariin.
"Patugtog tayo" pag-iiba ko at pinindot ang bukasan ng player ng sasakyan niya.
♪♪ I don’t think that passenger seat
Has ever looked this good to me
He tells me about his night
And I count the colors in his eyes
He’ll never fall in love he swears
As he runs his fingers through his hair
I’m laughing 'cause I hope he's wrong
And I don't think it ever crossed his mind
He tells a joke, I fake a smile
But I know all his favorite songs
And...Napangiti ako. I love Taylor Swift's songs. Sinabayan ko iyon.
I could tell you his favorite color's green
He loves to argue, born on the seventeenth
His sister's beautiful, he has his father’s eyes
And if you asked me if I love him,
I’d lie
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015