May mas sasaya pa ba sa taong in love?! Kung may mas sasaya pa sakin ngayon iharap niyo sakin para sabay kaming tumawa!
Pinunasan ko nalang ang buhok ko saka nilingon ang lalaking tuwang-tuwa sa panonood sakin.
"Maganda ka na!" He said at niyakap ako mula sa likod.
Pinanood naming dalawa ang repleksyon namin.
"Alam ko na yun!" Natatawang sabi ko.
Tumawa lang din siya at hinalikan ang pisngi ko.
Kinuha niya ang libro ko at hinawakan ang kamay ko saka kami sabay na naglakad papasok sa school.
"Nag-go-glow kayo!" Mapang-asar na salubong samin ni Joy.
Nginitian ko lang siya at pumasok na kami sa loob ng classroom.
"Hala sila!" Habol pa samin ni Joy.
"Blooming kayo pareho!" Nakangiting sabi ni Yang.
Nailang ako pero ng maramdaman ko ang paghawak ni Rodney sa kamay ko ay lumayas ang kaba ko.
"Kami na Bash" nakangiting sabi ni Rodney at itinaas pa ang magkahawak naming kamay.
"Oh my God! Yiiiiieeeehhhh!!! Im so happy for you!" Masayang tili ni Yang at lumapit sakin.
"OMG! kinikilig ako!" Tili pa niya ulit at niyakap ako.
"Anong meron?! Anong meron?!" Nang-iintrigang sabi ni Antonio na kakapasok lang.
"OMG beks! Sila na!" Masayang sabi ni Yang at itinuro pa kami ni Rodney.
Pakshet! Mega announce?!
"Really?!" Maarteng sabi ni Antonio.
Natawa kami ni Rodney "hindi joke lang!" Sabay pa na sabi namin at lalo silang nagtilian.
"Ano ba ang iingay niyo!" Saway ni Joy na kaka-akyat lang ulit kasama si Mav at Ruth.
"Sila na! Nagkatuluyan rin sila" tila nagdedaydream na sabi ni Antonio.
"What?! Really?! How?! When?!" Sunod-sunod na tanong nila at natawa kami ni Rodney.
"What?" Sabi ko kay Rodney.
"Kami na" nakangiting sabi niya.
"Really?" Taas kilay na sabi ko.
Tumawa siya "hindi joke lang"
"How?" Sabi ko at binangga pa ang balikat niya.
"Tinanong ko, sinagot niya." Natatawang sagot niya dahil literal na naka-nga-nga ang mga kaibigan namin.
"When?"
Ngumiti siya sakin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"October fifteen, saturday" sagot niya at dahan-dahang natauhan ang mga kaibigan ko.
"Oh my God! OMG talaga! Yiiiieeeeee!!! Im so happy!" Si Mav na tumatalon pa sa tuwa.
"Congrats!" Nakangiting sabi ni Joy at kinamayan pa ako.
Kung ano-ano pang kabaliwan ang ginawa namin at nagkayayaan pang mang-libre si Rodney bilang celebration daw, syempre di ko naman siya hinayaang ishoulder lahat ng kakainin namin ngayong recess.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015