#43- HIS SIDE OF STORY

3 1 0
                                    

November ng i-announce na magaganap na dance competition, interpretative daw ang theme at kailangan lang ng representative per section.

Hindi ko pa rin kayang laruin ang psydama at halos iniyakan ko na si Rodney dahil nagsusuicide ang mga brain cells ko everytime I try hard to understand the efin game!

"En sige na please.." Pangungulit sakin ni Mav.

"Ba't di nalang kasi ikaw?!" Naiiritang pagtanggi ko.

"Pumayag na si Rodney eh. Ikaw nalang!" Pangungulit pa niya.

Tinasaan ko siya ng kilay saka tinignan ang natutulog kong boyfriend sa desk ko.

"Lahat gagawin ko please pumayag ka lang" pagmamakaawa pa niya at talagang magkasiklop pa ang dalawang kamay niya.

"Ehh" pagmamaktol ko pa.

"Allen please! Para sa section natin" si Yang.

Napanguso ako. Ang hirap tanggihan ni Yang ehh!

"Ano bang kanta?" Tanong ko.

"It's all coming back to me-now?" Hindi siguradong sagot ni Mav.

"Lahat gagawin mo?" Nakangising sabi ko.

"Wag lang mahirap please! Para sa four-twelve" sagot naman niya.

"Hmmm" umasta akong nag-iisip.

"Yes na please?" Pagmamaka-awa ni Ruth.

"Bebe.." Si Yang.

Lintek na yan! Pag si Yang naglalambing ang hirap tanggihan.

"Sige!-

"Yes! Woohoo!" Masayang sigaw nilang tatlo.

"Pero!"

"Pero?"

Nagisip ako at pinaglakad ang daliri ko sa likod ni Rodney..

"Pero.."

"Pero?"

"Pero-

"Anak ng puro pero!" Iritang sabi ni Mav.

"Edi No nalang!" Taas kilay na sabi ko at siniringan siya ng tingin.

"Ube ice cream bebe" nakangiting sabi ni Yang.

Ngumisi ako "deal!"

"Yessss!!" Sabay-sabay na sigaw nila.

Last week ng november ang contest at ngayon palang nagpasa na kami ng form para maiwasan ang pagkakapareho ng kanta.

Ginising ko si Rodney.

"Panget! Practice mamaya" sabi ko ng mag-angat siya ng tingin.

"Pumayag ka na?" Nagtatakang tanong niya.

Tumango ako "sinuhulan ako ni Yang eh" natatawang sabi ko at nginiwian niya ako saka hinawi ang braso kong nakadagan sa likod niya at tuluyan na siyang umayos ng upo.

"Anong sinuhol mo dito?" Takang tanong niya kay Yang.

"Ube ice cream" nakangising sagot ni Yang.

Lalong naningkit ang mata ni Rodney at kunot noo akong tinignan.

"Meron ka?" Tanong niya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon