Dalawang araw bago ang first monthsary namin ni Henry ng maisip kong gumawa ng pag-iinarte.
"Kahapon ka pa hinahabol ni Henry! Ba't iniiwasan mo?" Takang tanong ni Nikki habang nasa veranda kami ng library at pinapanood si Henry na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya sa baba.
Ngumiti ako "monthsarry namin bukas"
"Oh?"
Lumawak ang ngiti ko. "I want to surprise him"
Agad ding lumawak ang ngiti ni Nikki at pigil na pigil tumili.
"Shit! Naka-moved on ka na!" Masayang sabi niya.
Hindi pa Niks..
Pero nginitian ko lang din siya. Nakita kong umalis na sila Henry kaya inaya ko ng bumaba si Nikki.
"Tulungan mo sana ko Niks, I really want to surprise him" paki-usap ko habang nag-iisip ng gagawin ko bukas.
Naka-usap ko na si Patchot kahapon at siya ang bahala kay Henry.
"You'll sing for him?" 'Di makapaniwalang sabi ni Nikki.
Maski ako ay hindi makapaniwalang naisip ko yun.
"Hindi ko pa sure ehh" sagot ko.
Nagtext rin ako kila Ate Kit at Ate Marie para tulungan ako sa surprise ko. Sa office kasi ng LPEE organization namin ko balak gawin ang surprise. Idedesign lang namin ng happy monthsary tapos mga pictures namin ang isang side ng wall. Magdadala ako ng cake na may greetings tapos kakantahan ko siya.
Everything is perfect in my mind. Naniniwala akong magagawa ko yun.
"Allen, Henry want's to talk to you" napa-angat ako ng tingin. Si Julius.
"Tell him I'm busy" sabi ko at yumuko ulit sa notebook ko.
"But---
"No. More. Buts. Im busy" madiin na sabi ko at pinagmukha ko talagang na-iirita ako sa presensya niya.
Napabuntong hininga lang siya at umalis na rin.
Nginitian ako ni Nikki saka ako inilingan.
Lunch break ng umakyat kami ni Nikki sa office para maisagawa na ang surprise ko.
Bitbit ko ang gitara ng kumatok ako sa office.
"Ate Kit, it's me!" Nagmamadaling katok ko.
Dahan-dahang bumukas ang pinto at sinilip ko ang room.
"Wow! Nice! Thank you" tuwang-tuwang sabi ko ng makita ang todo effort na design nila.
Parang pati ako nasurprise ng makita ang mga pictures namin ni Henry. We both look happy sa mga captured moments namin.
Naka-recieve ako ng text kay Pat na naka-set na daw sila.
Lumabas ako ng room at pumwesto sa malayo para hayaan munang makapasok sila Henry.
Na-eexcite ako ng makita ko ang nakangiting mukha ni Henry pero mukhang walang tiwala sa ginagawa ng mga kasama.
"Oy mamaya may ipis dito ah" rinig kong sabi niya at napahagikhik nalang ako.
Sinilip ko sila ng makapasok iniupo nila si Henry at hindi pa rin inaalis ang piring nito.
Pumwesto ko sa harap niya at umupo saka sinimulang mag-strum.
"Woah! What's happening?!" He said at umambang aalisin ang piring pero pinigilan siya nila Pat.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015