Wednesday. Pakiramdam ko naman ay safe na ulit pumasok mag-isa kaya kahit hindi na nag-offer si Rodney ay kampante na ko.
Pinunasan ko nalang ang buhok ko, pinatay ang ilaw saka lumabas.
Napatalon pa ako ng makita si Rodney na naka-upo sa hagdanan ng kapitbahay namin.
"Good morning" bati niya at tumayo na.
"Good morning" nakangiting bati ko.
Syempre ano pa bang aasahan edi nakarating kami sa school ng hindi nagkikibuan.
"Sabay nanaman kayo?!" Nang-iintrigang sabi ni Antonio.
Hinintay ko pa ulit na makapag-earphone si Rodney.
"Sa gate lang" pagsisinungaling ko.
"Ay ang Allen may hindi sinasabi!" Pambubuyo pa niya.
Sarkastiko ko lang siyang nginusuan. Tumawa lang siya.
"Joy tignan mo si bakla may hindi sinasabi" hinatak pa niya si Joy na kakarating lang.
"Ano yun?" Inosenteng tanong niya.
Lumapit si Antonio "in love na yata sa gwapong Rodney!" Bulong niya.
Ngumiti lang si Joy at umiling "paunahin niya muna yung regla niya bago siya maglove life!" Natatawang sabi niya.
Napanguso ako. Oo weird siguro para sa kanila na sa edad kong fourteen years old eh hindi pa ako dinadalaw ng pagdadalaga.
Ten minutes na ang nakaraan pero wala pa rin si Ma'am Luz kaya napagdesisyunan ko ng bumaba.
Wala sa sariling napahinto ako sa tapat ng hagdan.
"Tara meryenda tayo"
Kumabog ng husto ang puso ko. Dahan-dahan akong napalingon. Seryoso ang mukha niya at nakatingin malayo.
Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Libre mo?" Biro ko.
"Sige tara" sagot niya at nauna ng naglakad.
OMG! Yung puso! Yung puso ko awatin niyo po!
"Tara!" Dinig kong sigaw niya.
Napakurap ako at patakbong lumapit sa kanya.
Binilan niya ako ng sandwich at c2 saka kami magkatabing kumain.
"Buti naman ginagamit mo yan" he said sabay subo ng pagkain.
Napahawak ako sa panaling nasa buhok ko. "Uh.. Oo, salamat ah" nakangiting sabi ko.
Tumango siya at hindi na ulit kami nag-imikan, saktong paalis na kami ng magdatingan ang mga kaklase ko.
"Oy Allen san ka pa pupunta?" Pigil sakin ni Antonio.
"Aakyat na" sabi ko at tinanaw ang papalayong si Rodney.
"Break na" sabi ni Joy.
Tinignan ko siya "alam ko" sabi ko "tapos na ko." Dagdag ko pa.
"Sinong kasabay mo?!" Naniningkit matang tanong ni Joy.
Nginisian ko siya "wala ako lang" saka sila mabilis na iniwan.
Pagkarating ko ng floor namin ay tumambay muna ako sa railings.
"Wow! Allen in ponytail day two!" Pang-aasar ni Mav at binangga pa ang balikat ko.
Napanguso ako "ate.."
"Wow first time!" Hinipo pa niya ang noo ko "may sakit ka bunso?" Natatawang sabi niya.
"Seryoso kasi" sabi ko.
Tumikhim siya at mukhang sumeryoso naman.
"Ate, paano mo ba ipapaliwanag yung abnormal na bilis ng puso tapos yung biglang pag-init ng paligid dahil lang nakita mo yung ngiti niya?" Nakatanaw sa malayong tanong ko.
"Si Carl ba yan o si Rodney?" Tanong niya.
Napangiwi ako "sagutin mo nalang" sabi ko.
Narinig ko pa ang mahina niyang tawa. "Baka attracted ka o kaya crush mo siya kaya ganyan ka magreact" sagot niya.
"Pareho lang yun 'di ba?" Kunot noong tanong ko.
"Mas malalim ang crush kesa attraction" sabi niya tinapik ang balikat ko saka ako iniwan.
Napabuntong hininga ako at tumunganga pa bago pumasok sa classroom.
"In love ka Atii?" Pang-iintriga ni Ruth.
Ngumiti lang ako. Hindi ko alam. Malay ko.
"Love problem?! Call Mama Dudut!" Nakatawang sabi niya.
Umiling lang ako at yumuko.
"Allen bisita" sabi ni Antonio.
"Wala ko sa mood. Pababain niyo na" sagot ko.
"Ang love.."
Napalingon ako kay Joy.
"Ayan na siya!" Masayang sabi ni Ruth at iniharap ang upuan niya.
Umayos ang mga kaibigan ko at nakapabilog kami.
"Mga uto-uto" natatawang sabi niya pero walang tumawa sa amin.
"Osige. Sa mga naririnig k-
"Ayaw namin ng chismis! - aray!" Reklamo ni Antonio ng batukan siya ni Joy.
"Patapusin mo ko." Sabi niya at umayos ng upo.
"Osige payuhan na ang baguhan sa larangan ng pag-ibig" maarteng sabi ni Antonio at tinuro pa ako.
"Okay ang love daw is kapag masaya ka kapag nakikita mo siya. Yun bang masilayan mo lang siya sunshine in the rain na o kaya rainbow after the rain. Kahit anong badtrip mo makita mo lang siya all the negatives will turn into possitive. Siya ang kumukumpleto ng araw mo at kapag wala siya kahit tirik ang araw pakiramdam mo may bagyo" mahabang paliwanag niya.
"Deep" kumento ni Abby.
Nginitian ako ni Joy "pero wag mong i-oover rate o i-uunder rate ang feelings mo. Kunwari, kinikilig ka lang akala mo inlove ka, yun pala attracted ka lang. Pag in-under rate mo naman minsan akala mo kinaiinisan mo yung tao yun pala inlove ka na"
Napangiti ang mga kaibigan ko at tinignan ako. Walang reaksyon ko silang tinignan.
"Saka isa lang naman ang bottom line dito. Kapag nagmahal ka, mababaw o malalim man masasaktan at masasaktan ka. It's like buying a buy 1 take 1 promo. When you buy love you also need to take the hurt and pains" sabi niya pa at makahulugang nginitian ako.
"Tara uwi!" Sabi ko at nagkatawanan nalang kami.
Masyadong seryoso! Pero nagkaroon ako ng idea para intindihin ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Fiksi RemajaLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015