#70- ROOM FOR THE SINGLES

10 0 0
                                        

Tanghali na akong nagising, weekend kasi at kakatapos lang ng final exams namin. May isang linggo pa para sa completion of requirements, but good thing na nakapag-pasa ako ng lahat ng kailangan ko sa mga deadline na sinabi ng mga prof ko. Pwede na akong hindi pumasok next week, pero para sulitin ang bonding with my Ate's and Kuya's papasok pa rin ako.

Bumangon na ako at naligo bago bumaba.

"Oh buti at gising ka na. Halika na't mananghalian" nakangiting salubong sakin ni Manang.

Ngumiti rin ako sa kanya at dumeretso sa kusina.

Ipinaghain niya ako at pinanood ko lang siyang iinit sa microwave ang ulam at kanin.

"May dumating palang package kagabi, eh pasensya na't ngayon ko lang naalala" Manang said at pumunta sa kwarto niya.

"Ayos lang po yun" nakangiting sagot ko at tinanggap ang iniabot niyang plastic ng LBC.

Kumunot ang noo ko ng makita ang isang box sa loob non kasama ang isang pink na papel na nakatupi.

Tumayo ako para kumuha ng gunting.

Napapikit ako ng mariin ng maisip kung ano ang posibleng laman ng maliit na kahon. Nagtatalo ang kalooban ko kung papanalangin ko bang tama ang nasa isip ko o aasa ba akong sana mali ako.

Tinitigan ko ang kahon at papel na nasa harap ko habang kumakain. Napagdesisyunan kong mamaya na lamang iyon bubuksan.

Bibit ang kahon at pink na papel ay dumeretso ako sa rooftop matapos mananghalian.

Umupo ako sa isang upuan sa harap ng coffee table at duon muling tinitigan ang kahon at sulat.

Alin ba uunahin ko?

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Malakas at mabagal.

Nanlalamig ang palad ko habang inaabot ko ang maliit na kahon.

Ba't ba kinakabahan ako?! Pakshet na yan..

Hawak ko na ang kahon at bubuksan ko nalang. Kaso kinakabahan talaga ko! Huhu!

Kesa ipagpatuloy ang kaartehan ko ay pigil hininga kong binuksan ang kahon.

Nanlaki ang mata ko at unti-unting tumulo ang luha ko. Nagtuloy-tuloy bigla ang tibok ng puso ko.

Mapait akong napangiti at nanginginig ang kamay na kinuha ko ang sing-sing. Our promise ring..

Ang tagal ko ng hindi nakikita 'to pero sa isang tingin lang nakilala ko agad ito. Naikuyom ko ang palad ko para hawakan ng mahigpit ang sing-sing.

Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang pink na papel at binuksan iyon.

Allen,
Ano? Umiiyak ka nanaman ba habang binabasa 'to? Lagi nalang ba kitang makikitang umiiyak? Akala ko pa naman masaya ka na sa bago mo pero mukhang ako pa rin ang hinahanap mo.

Ang yabang punyeta!

But kidding aside, I want to be the one who will wipe your tears.

Eh nasan ka na?!

I want to put back your genuine smile. Hindi yung ngiting para lang sa camera.

Damn it! Edi magpakita ka ng hayop ka!

I want to hear those heart stopping laugh again.

Wear that ring again if I'm still the one.

Kahit wala 'tong sing-sing ikaw at ikaw lang naman leche!

Hoping to see you so soon My Allen.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon