#5- SAVIOUR

16 0 0
                                    

Monday. Kahit nakakatamad gumising ng 4:30am para maka-pasok ng 5:30am ay kailangan. Attendance is a must.

Nag-lalakad na ako alone sa madilim na kalsada papunta sa school, when this guy wearing a hoodie jacket na prenteng nakasandal sa naka-paradang jeep caught my attention. Bumagal ang paglalakad ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Baka rapist?!

Sa sobrang kaba ko nagulat pa ako ng may matangkad na lalaking sumabay sakin sa paglalakad. Napatingala ako sa kanya, pumwesto siya sa tabi ko na naharangan yung lalaki.

Napalingon pa ako sa lalaki ng malagapasan namin.

"Wag mo ng tignan" sabi niya.

Hindi ako makakibo dahil kinakain ng kaba ang boses ko.

Nakarating kami sa school ng hindi nag-iimikan.

"Oy! Ba't sabay kayo pumasok?" Pang-iintriga ni Ruth.

Napalingon pa ko kay Rodney ng lagpasan niya ko at dumeretso sa upuan niya sabay lagay ng earphone.

"Nagkasabay lang kami sa gate" pagsisinungaling ko at umupo na sa upuan ko.

Naglabas ako ng notebook ng hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Natapos ang tatlong subject ng hindi ko namamalayan.

Nandito pa rin sa dibdib ko ang kaba. At ang takot na parang matagal ng natutulog pero dahil sa lalaking naka-hoodie na yun ay nagising.

"En, break na" sabi ni Mae. Kaibigan ko since grade four.

Wala sa sariling tumango ako.

"Hindi ka bababa?" She ask.

"Hindi. Hindi ako gutom" pilit ngiting sagot.

Tumango siya at tumayo na.

Hindi ako nagmeryenda dahil hanggang ngayon parang hindi pa rin ako nakaka-bawi sa takot na naramdaman ko. Pakiramdam ko kasi kung hindi dumating si Rodney ay baka may masama ng nangyari sa akin.

"Allen?" Kalabit sakin ni Joy.

Gulat akong nilingon siya.

"Nanlalaki mata mo? In love ka?" Natatawang sabi niya.

Napangiti ako at umiling. Nakakabaliw!

Iniwan niya rin ako matapos mang-intriga.

Wala ang teacher namin sa subject pagtapos ng break kaya naglalamyerda ang mga kaklase ko kung saan-saan.

Inuubos ko pa rin ang oras ko sa pagtulala at pag-iisip.

"En! En!" Sigaw ni Mae at patakbong pumasok sa room.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ayos ka lang? May nangyari ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya.

Napakunot ang noo ko. "Wala naman, bakit?"

"Kasi may mga estudyanteng nagreport kay Ma'am Violet, nahipuan daw sila sa katarungan, eh doon ka dumadaan 'di ba?" Kwento niya.

Agad nag-unahan ang tibok ng puso ko at wala sa sariling napalingon kay Rodney na kasalukuyan na palang nakatingin samin.

"O-oo" kabadong sagot ko.

"Hindi ka ba nahipuan? Ayos ka lang?" Sabi niya pa.

Umiling ako "ano daw hitsura?" Pang-uusisa ko pa.

"Naka-hood daw eh, wala sa mga nagreport ang nakakita sa mukha"

Naghahabulan na talaga ang mga daga sa dibdib ko.

"Namumutla ka! Ayos ka lang? Ano nahipuan ka rin ba?" Nagpapanic na sabi niya.

Nanlalamig ang mga palad ko.

"H-hindi ako nahipuan. Okay lang ako"

"Sure ka ah?" Paninigurado niya at hinawakan pa ang pisngi ko.

Tumango lang ako.

"Sige. Mag-iingat ka" sabi niya saka lumabas ng classroom.

Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko. Natapos ang araw ng hindi ko namamalayan.

Usap-usapan ng barkada ang issue tungkol sa ibang estudyante.

"Ano ba yan! Kashokot! Doon din ako dumadaan ehh" pag-iinarte ni Antonio.

Pinilit kong ngumiti "hayaan mo safe ka"

Tumawa naman ang mga kaibigan ko.

Isinukbit ko na ang bag ko pero hinihintay pa namin si Abby na hindi pa tapos magsulat.

"En" tawag sakin ni May.

Nilingon ko siya.

"Mag-iingat ka pauwi huh. Bukas maghanap ka na ng ibang dadaanan" paalala niya.

"Sige. Salamat" pilit ngiting sabi ko.

Tumango siya at nagpaalam na siya.

I may look brave pero sa loob-loob ko ay kinakabahan na ko ngayon palang para sa pagpasok ko bukas.

"Tomboy yun di ba?" Takang tanong ni Mav.

"Ou. Best friend ko dati" sabi ko.

"Baka-"

"Kunin ko number mo."

Apat na salitang nagpahinto sa malikot naming mundo.

Napanga-nga si Antonio ng maputol ang dapat sasabihin niya. Napatingala si Ruth mula sa pagtitext. Napahinto si Abby mula sa pag-tatago ng notebook. Si Mav na kay Rodney ang paningin. Si Joy ay napatitig sa akin.

"Huh?" Napalunok ako.

"Number mo, kukunin ko" ulit niya sabay abot ng cellphone niya sakin.

Kinuha ko agad iyon. Kabisado ko ang number ko kahit pa ang number ng mga kaibigan ko pero sa pagkakataong ito ay hindi ako sigurado sa itinype ko. Limang beses kong pinasadahan ang tinype kong number bago ibinalik sa kanya.

Nagtype siya sa tingin ko pangalan ko bago siya nag-angat ng tingin sakin.

"Susunduin kita bukas" sabi niya at lumabas ng classroom.

Ano yun?!

Napatitig ang mga kaibigan ko sakin at naghihintay na ipaliwanag ang nangyari. Pero hindi ko na sila tinignan at nauna ng lumabas ng classroom.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon