#19- FOUNDATION DAY 4; HI I'M HAPPINESS :)

6 1 0
                                    

First place si Abby at second place si Carl, birit kung birit naman kasi ang ginawa ng baklang Eric kaya siya ang nagchampion kahapon.

After non ay nagtipon kami ng mga kaklase ko para mapag-usapang hindi kami papasok ngayong araw para linisin ang magiging performance namin bukas.

Sa madaling salita, Carl free ang araw na ito dahil sa hindi malamang dahilan, nagsungit bigla ang lolo niyo kahapon.

FLASHBACK..

"oy 'by congrats!" Masayang bati ko at sinalubong siya sa gilid na hagdan ng stage.

Tipid lang siyang ngumiti at nilagpasan ako at hindi na ako pinansin buong maghapon..

..END OF FLASHBACK

"Okay formation!" Sigaw ni Mav.

Pupwesto na ako ng mapansin kong lumapit sa kanya si Rodney, may sinabi ito na tinanguan naman ni Mav.

"Nget tara praktisin natin yung sa refrain" nakangiting sabi niya.

Ngumiti rin ako at umalis sa pwesto at lumapit kami kila Raf at Benjie.

"One two pak pak!" Bilang ni Raf.

Inaayos nalang namin. Paulit-ulit hanggang sa masabayan ko yung hataw nila bilang lalaki.

"Ba't nakaka-inlove talaga pag si Allen ang sumayaw nun?" Dinig kong kumento ng isang lalaking kaklase ko.

"Last Allen, kayong dalawa ni Rodney" nakangiting sabi ni Benjie.

Inayos nila ang tugtog hanggang sa papasok ng refrain saka kami sabay na sumayaw ni Rodney.

"Grabe! Pwedeng dance floor lovers!" Sigaw ni Mav.

Napangisi ako. Nagpahinga kaming lahat saglit.

"15 minutes break tapos may tugtog na" palakpak ni Mav at nagpulasan naman agad ang mga kaklase ko.

May mga bumili ng tubig, softdrinks, pagkain at may mga nanigarilyo.

Tulala kong pinapakinggan ang tugtog habang isinasayaw sa isip ko.

"Oh"

Napatingala ako sa nagsalita. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Rodney habang inaabot sakin ang bottled water. Kinuha ko yun at tinabihan niya ko sa pagkakaupo sa semento.

Habang nagpapahinga ay nagkatuwaan sila Raf at Benjie at pinatugtog ang wait for you.

Napangiti ako at tumayo "sali ako" sabi ko at hinintay mag-chorus saka sila sinabayang sumayaw.

"Shocks! Bat alam niya yan?" Takang tanong ng isang babaeng kaklase.

Simula kasi ng maging ka-close ko sila Raf at Benjie ay madalas ako sa tambayan nila at may dance group sila outside the school at madalas akong makigulo sa practice nila, kakanuod ayun natutunan ko mga steps nila.

Medyo interpretative ang dating nung sayaw kaya natutuwa ako. Malambing na astig yung step. Basta ang ganda-ganda sa paningin ko. Wala namang intimate na step kaya ayos lang.

Dumagundong ang puso ko ng mapansin si Rodney na nakaupo sa harap at prenteng nakaupo at titig na titig sa akin.

Napangiti ako. Ewan ko sabi ng happy hormones ko ngumiti daw ako ako eh.

"Ang galing! Crush ko na si Raf-Raf!" Tili ng isang kaklase ko at nagkamurahan nalang sila ni Benjie.

Natapos ang kanta at sinimulan na namin ang talagang dapat namin ipractice.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon