Halos lahat kami ay may hang over pa sa naganap na JS Prom last Febuary. OA ba? Kasi ako hindi pa rin ako makaget-over sa kilig na naramdaman ko ng gabing yun.
March na, lahat sinusulit ang bawat moment ng kulitan at ang mga bonding namin, next week final exam na at summer vacation na.
"Ang bilis ng panahon noh?" Malungkot na sabi ni Joy habang hinihintay namin matapos ang pinapa-photo copy niya.
"Oo nga eh" napanguso ako.
"Sana walang magbago" malungkot na sabi ni Abby.
"Wala yan noh!" Pagchecheer up ko naman.
Bumalik kami sa school pagkatapos magpa-photo copy.
"Sabado naman bukas, inom tayo?" Pag-aaya ni Abby.
Pero pareho kaming tumanggi ni Joy dahil finals na next week, kahit sa finals man lang susubukan kong mag-review.
"Nget, meryenda?" Pag-aaya ni Rodney ng dumating ang recess time.
Umiling ako at inaya siyang tumabi sakin.
"May problema ba?" He asked habang nilalaro ang sing-sing sa daliri ko.
"Pangs, what if mawala ako? I mean pano kung magkalayo tayo?" Malungkot na tanong ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Hangga't ikaw ang mahal ko, susundan kita kahit san ka magpunta" seryosong sabi niya.
And at this weird moment with this weird feelings, I suddenly felt the urge to kiss him and make him promise everything.
"Bakit san ka ba pupunta?" He asked.
Napahiwalay ako sa kanya at tinignan siya sa mata.
"Wala naman" malungkot na sagot ko.
"Basta mag-paalam ka para alam ko naman kung saan kita pupuntahan" ngumiti siya pero halatang pilit.
Nararamdaman mo rin ba?
Nag-init ang paligid ng mata ko at isinandal ko ang noo ko sa balikat niya at tahimik na umiyak.
Pinagsiklop niya ang mga daliri namin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Kung ano man ang dahilan at nagkakaganyan ka mabuti pa sabihin mo na" he said at inabutan ako ng panyo.
Pinusan ko ang luha ko at tinitigan ang mukha niya.
"Nag-aalala ko, pakiramdam ko hindi na kita makikita next school year" malungkot na sabi niya pero pinaka-titigan ko lang ang mukha niya.
Mamimiss kita..
"I love you" mahinang bulong ko at lalong lumungkot ang mga mata niya.
"Mahal na mahal rin kita" pilit ngiting sagot niya.
"Haaayyy!" Maingay na buntong hininga ko at saka pilit na ngumiti bago siya hinarap.
"Sa probinsya ako magbabakasyon. Mamimiss kita"
Kumunot ang noo niya "I'll call you, time to time, okaya text kung busy ka"
Sana nga matagalan mong text at tawag lang tayo.
"Babalik ka pa 'di ba?" Paninigurado niya.
Ngumiti ako at tumango "sabay tayong gagraduate"
Ngumisi siya at hinalikan ang noo ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015