Gaya ng napag-usapan nag-kita kami ni Henry after class, but instead of talking about that stupid thing ay namasyal nalang kami. Na-guilty siguro.
Naglalakad kami sa eco park habang hinihintay ang pag-lubog ng araw.
"You really did that?!" Natatawang sabi niya ng ikwento ko sa kanya ang piso story namin ni Robin.
Natawa nalang din ako. Tumigil kami sa mataas na parte ng eco park at umupo. Nasa likod ko siya at nakaupo ako sa pagitan ng mga hita niya. Itinaas ko ang tuhod ko at niyakap niya ako saka ko naramdaman ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko.
It was a romantic scene, pero walang kilig, walang spark. In short, kulang.
"I love you" bulong niya.
I felt no shiver everytime he is doing it.
Ngumiti ako at pinanood ang paglubig ng araw.
"I love you too" sagot ko at isinandal ang likod ko sa dibdib niya.
Nag-indian seat ako at ibinaba niya ang yakao niya sa bewang ko saka ito hinigpitan. Nilingon ko siya at nagulat pa ako ng dampian niya ng mabilis na halik ang labi ko. Napangiti ako at hinalikan rin siya. Ang inakala kong mabilis na halik ay unti-unti niyang pinalalim.
I answered his soft and sweet kisses. Masaya, nakaka-fullfil but still kulang.. Pareho kaming nakangiti ng maghiwalay ang mga labi namin.
Good thing na nasa madilim kaming parte at medyo malayo sa lamp post. Mabilis niyang dinampian ang tungki ng ilong ko at napagdesisyunan naming umuwi na.
Kinulit ko pa siyang pumasok ng bahay at napapayag ko naman siya.
Nagtaka ako sa katahimikan ng bahay at doon ko lang naisip i-check ang phone ko.
"I'll just change, feel at home" paalam ko at nagscroll sa cellphone ko while slowly walking up stairs.
Kumunot ang noo ko sa text message ni Mommy. Umuwi daw sila ni Kia sa manila dahil hinahanap na daw nito ang Mommy niya, babalik na lang daw sila sa christmas break with Ate Chinny, while Manang is at the hospital, binabantayan daw muna nito ang anak. So I must sing alone..
Nagpalit lang ako ng shorts at tshirt at naabutan ko si Henry na nanonood ng TV.
"Wanna stay for the night?" Tanong ko at tinabihan siya.
Tinaasaan niya ko ng kilay and suddenly I felt nervous, napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Wala kasi sila Mommy, so Im alone here, maybe you can stay para may kasama ako" paliwanag ko.
Saglit siyang nag-isip at ipinatong ang braso sa sandalan, I make my move para sumiksik sa kanya at niyakap naman niya ang bewang ko using his one arm.
"Sige, I can sleep here in the couch" nakangiting sabi niya.
Ngumiti ako "you can sleep beside me" kibit balikat ko.
Nagtaka ako ng maaninag ang pagkairita sa mukha niya at inalis ang pagkakayakap sakin.
Did I say something wrong?!
"Do you usually invite a guy to sleep beside you?" Naiinis na tanong niya.
Nangunot ang noo ko. Did I understand him right?!
"N-no!" Kinakabahang sagot ko.
Nangunot lalo ang noo niya.
"Are you still a virgin?!"
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Novela JuvenilLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015