Namulat ako ng maramdaman kong wala na akong katabi. Kinusot ko pa ang mata ko bago hinanap ang cellphone ko. Nagtext nalang ako kay Mommy na hindi ako makaka-uwi.
Bumangon ako at isinuklay ang daliri ko sa magulo kong buhok saka lumabas ng kwarto.
Ang bigat ng ulo ko ahh..
Kunot noo kong hinanap ng piningin si Henry.
"Dad?" Tawag ko habang naglalakad papuntang kusina.
"Gising ka na pala" nakangiting sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at agad niya kong niyakap sa bewang at dinampian ng halik sa labi.
"Ba't bumangon ka na" sabi ko at kinapa ang noo niya.
"Ayos na ko" he said at inilapit ang bibig sa tenga ko "effective yung kisspirin eh" saka niya ako kinindatan.
Agad nag-init ang pisngi ko at hinampas ang dibdib niya.
"Upo ka muna don, maluluto na 'to" he said at pinakawalan ako mula sa pagkakayakap niya.
Instead na dumeretso sa dining ay pumunta ako sa banyo para maghilamos.
"Da---
Napangiti pa ako ng sumalubong sakin ang puting twalya at ang nakangiti niyang mukha.
Inabot ko iyon at ipinunas ko sa mukha ko.
"I love you" he whispered at niyakap ako.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Anong isasagot ko?
Pilit akong ngumiti at isinandal ang noo ko sa balikat niya.
"I love you too.." Sagot ko.
Humigpit ang yakap niya at tiningala ko siya. Dinampian niya ng halik ang noo ko, ang ilong ko at madiin na halik ang iginawad niya sa labi ko.
Hahalik pa sana siya ulit pero iniharang ko ang palad ko sa mukha niya.
"Namimihasa ah!" Natatawang saway ko at agad na kumabog ang dibdib ko and memories came rushing to my mind.
Damn those memories!
Naipilig ko ang ulo ko at inalis ang pagkakatakip ng palad ko sa mukha niya at tipid siyang nginitian.
Pumunta na kami sa kusina para makapaghapunan na.
"Since okay ka na, uuwi na rin ako mamaya" sabi ko habang kumakain.
"Ihahatid kita" sagot niya at nag-ngitian kami.
Matapos kumain ay nagsapatos na rin ako at inayos ko ang aking buhok. Bitbit niya ang bag ko at hawak kamay kaming nag-iintay ng tricycle.
"Thank you" bulong niya sakin habang nakasakay kami sa trycicle at hinalikan ang sentido ko.
Napapikit ako is it me o talagang magkapareho ang nangyari noon sa nangyayari ngayon?!
"Para san naman?" Kunwari'y tanong ko.
"Sa second chance" nakangiting sabi niya.
Yumakap ako sa braso niya at isinandal ang noo ko sa balikat niya.
"Ang payat mo na" he said at hinapit ang bewang ko pagkapasik namin ng subdivision.
Napangiwi ako "masakit pa kasi eh, ang hirap kumain" sabi ko at binuksan ang gate.
"Pasok ka muna" sabi ko at kinuha ang back pack ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015