#39- ONCE A GENTLEMAN...

3 1 0
                                    

Keep every memory, either good or bad atleast you remember everything.

"See you after a year?" Nakangiting tanong niya habang nag-aabang ng tricycle.

Nginitian ko siya at nilingon si Manang Celia, kasambahay ko.

"Uhm. Bago enrollment siguro" nakangiting sabi ko kay Vince.

"Happy birthday nalang" he said.

Ngumiti ako "thank you. Di ko kasi talaga matiis yung mga kakambal ko eh" natatawang sabi ko.

It's May already at two weeks before my birthday, ay nakatanggap ako ng sandamakmak na text at tawag from my barkada at hindi sila tumigil hangga't hindi ako umo-oo na sa bahay kami maghahanda ni Abby.

And today is May 13, sa May 15 ang birthday namin ni Abby.

"Mag-ingat ka hija" bilin ni Manang Celia habang inilalagay niya ang bagahe ko sa tricycle.

"Opo. Ingat rin po kayo, pati yung mansion natin" natatawang sabi ko at niyakap siya.

"Vince. See you soon?" Nakangiting paalam ko.

Ngumiti siya at tumango. Sumakay na ako sa trike at nagpahatid sa terminal.

To: Rodney
Paterminal na po ako.

Ilang minuto ng umaandar ang bus pero wala pa ring reply.

I tried calling him pero- ibinababa..

What's wrong?!

Nag-ngangat-ngat ako ng kuko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Halos fifteen times ko ng sinusubukang tawagan siya pero pinapatay niya. Until last call patay na ang mismong cellphone niya.

Anyare?!

I tried to call Joy pero naka-off din ang phone niya. Pakshet na yan!

I composed a text message for Abby

Abbybypot! Kasama mo ba sila Joy?

But nakarating na ko ng camachile wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa mga kinokontak ko.

What's happening?!

Pagbaba ko sa sakayan ng tricycle ay nagulat pa ako ng makita si Ran.

"Ate!" Nakangiting bati niya at nag-apir kami, nakipagbeso naman sakin si Isiah.

"Umitim ka Ate" nakangusong sabi niya at kumapit sa braso ko.

"Oo nga eh, nakaka-itim yung hangin dun" paliwanag ko naman at isinakay ni Ran ang trolly ko sa tricycle.

"Pero bumagay sayo, kasi dati maputla ka" natatawang sabi ni Isiah.

"Nilalait mo na ko ah! Sasabunutan kita!" Tatawa-tawang banta ko at humagikhik lang siya.

"San kayo galing niyan?" Tanong ko habang nasa trike kami.

"Sa bahay nila Ran"

"Si Rodney nandun?!"

"Wala Ate maaga daw umalis kasama si Ate Joy"

Agad nagtakbuhan ang mga daga si dibdib ko dahil sa kaba. Napataas ang kilay.

No Allen, don't conclude..

"Okay ka lang Ate?"

Pilit akong ngumiti at tinanguan siya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon