#76- THE MYSTERIOUS RIDER

8 0 0
                                    

Minsan talaga ang hirap tantyahin ng tao. Minsan mabait, tapos magagalit tapos lalayasan ka, tapos--- ay peste!

Matapos ang nakakabaliw na sagutan namin ni Robin ayun nauwi rin kami sa Mcdo para magmeryenda. Bipolar.

August na! Ito naka-upo ako bilang isa sa panel of judges para sa Mr. And Ms Education.

Lahat magaganda, magagaling sa talent, matatangkad.

"Candidate number five, here's your question" panimula ni Dean Lizelle.

"What are you doing here?"

Lahat ay nagulat at natawa, maski ako ay natawa. Ultimo ang kandidata ay parang hindi alam kung paanong sasagutin ang tanong ni Dean.

"Kidding aside" tumawa si Dean.

"Why did you choose this course and Why do you want to be a teacher?" Biglang seryosong sabi ni Dean.

"Thank you for that wonderful question, Dean" ngumiti pa si #5

"First, I chose this course because teaching is my passion. I want to be a teacher to be an inspiration to our next generation, I want to help those kids who can't afford to go to the school, I also want to do volunteer works, such as teaching those out of school youths. That's all thank you" ngumiti pa siya at humakot siya ng palakpakan.

Napa-palakpak rin ako. Sana lang totoo..

Sumunod na contestant ay ako ang magtatanong. Napangiti pa ako, ito yung kandidatang inilapit samin ni Yumi.

"Good evening, candidate nine" panimula ko.

Ngumiti siya.

"If you were given a chance to change something from the past what is it and why?"

Isang tanong na walang connect sa pagiging educ student. Pero trip ko eh, buti nga hindi ko siya tinanong ng where do broken hearts go? O kaya what does the fox say?

Napatikhim siya at ngumiti sakin "good evening Miss Allen, and good evening everyone. If I were given a chance to change anything from my past, it was when my Dad left my Mom. Why? Because for me it was the most tragic part of my life, it hurts seeing my Mom crying over and over again because of same reason." Napalunok siya at napaluha "that's.. all. Thank you" she said at pilit na ngumiti sa crowd.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. I want to do the same too.. But.. I didn't saw my Mom cry and suffer kaya hindi ko naiisip yun..

Natapos ang pageant at second runner up sa Ms.Educ si Kaliah si #9 at first runner up sa Mr. Educ si Josiah galing din sa org namin.

"Ang deep ng tanong na sinagot rin ng deep" tatango tangong sabi ni Robin na siyang nag-escort sakin ngayong gabi.

Wala kasi si Henry, busy sa lesson plan niya.

Nilingon ko siya, lutang pa rin ang isip ko dahil sa isinagot ni Kaliah.

Inulit sakin ni Robin ang tanong ko kanina. Napataas ang kilay ko.

"Ano nga ba?" Nabablangkong tanong ko sa kanya.

Ipinilig niya lang ang ulo niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

Napabuntong hininga pa ako pagkaupo ko.

"I want to change my self" tumawa ako "ngayon ko lang kasi narealize na nawalan pala ako ng pakielam sa pamilya ko. Mas importante sakin ang sarili ko. Hindi ko manlang naisip kung ano ba pinagdaanan ni Mommy nung umalis si Dad. Kung ano ba naramdaman ni Kuya. Namulat kasi akong wala na si Dad kaya hindi rin gaanong big deal" nagkibit balikat ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon