Ilang gabi rin akong nakipag kwentuhan sa bote ng beer habang ina-analisa ang mga nangyari nung Dec.28. Magulo, nakaka-loko, nakaka-praning.
Pakshet kasing puso 'to 'di nalang manahimik.
December 29, nang simulan kong hindi replyan ang mga text ni Rodney at kahit ang sagutin ang mga tawag niya.
Masakit sa part ko pero nalilito na ako..
December 30, he was outside waiting for me to open the door and let him in. Hinayaan ko siya sa labas from 2pm until 10pm hanggang magkusa na rin siyang umalis.
It hurts seeing him unhappy. Masakit pero kailangan kong tiisin dahil hindi ko na rin maintindihan ang gusto ng puso ko at ang takbo ng isip ko.
December 31, mamaya na ako pupunta sa kanila at ewan ko kung pupunta pa ba ako. Ilang araw na akong umiiyak at walang tulog kakaisip sa mga bagay-bagay. Bakit ba kailangang maging ganito kagulo?! Bakit kailangan kong magdesisyon?! I mean, kung papayagan ko siyang manligaw, pano kung marealize kong attraction lang pala 'to? Paano kung-
"Arrrggghhhh!!" Gigil na sigaw ko at sinabunutan ang sarili kong buhok.
Paniguradong ang pangit-pangit ko na.
Nagring ang phone ko, sinagot ko saka ini-loud speaker ko.
Hello nget. Kahit hindi ka magsalita I know you're listening. Susunduin kita ok? Earlier than expected, I'll be there at three. Mag-usap tayo please, just stop avoiding me. I love you.
Yun lang at pinatay na niya ang tawag.
Bakit yung iba masaya pag nagustuhan sila ng taong gusto nila? Bakit ako nahihirapan?! Akala ko dati simple lang pero may mga bagay ka palang dapat isa-alang-alang bago ka magdesisyon. Kagaya ng friendship. Sabi nila mas maganda daw kapag ang relasyon ay nag-umpisa sa pagkakaibigan dahil siguradong kilala niyo na ang isa't-isa. Eh paano kung hindi naman kayo mag-click as bf/gf?
Kung ako kasi sa'yo subukan mo muna!
Naiinis na sabi ni Joy habang nag-uusap kami.
Eh kasi-
Eh kasi! Eh kasi! Puro ka isip agad! Saka mo na tignan ang posibleng mangyari kapag naging kayo! Di ka pa nga nililigawan nakarating ka na sa break-up niyo!
She said saka ako binabaan ng telepono. 'Di manlang ako pinasagot.
Napatingin ako sa orasan sa kwarto ko. 2:30pm. Maghapon na akong nakahiga dito.
Bumangon na ako saka nagtext kay Rodney.
To Rodney
Iiwan ko nalang na bukas yung pinto. Maliligo lang akoMessage sent
After nun ay iniwan ko sa harap ng salamin ang cellphone ko saka pumasok sa banyo para maligo.
Narinig kong bumukas ang gate habang paakyat ako sa kwarto.
Nag-tshirt at fitted pants lang ako at saka ako bumaba.
"Nget!"
Napatulala ako sa hitsura niya. Magulo ang medyo mahaba na niyang buhok at namumugto ang mga mata niya.
Napanguso ako at saka kinagat ang pang-ibabang labi ko. What happened to him?
Lumapit ako at tumabi sa kanya sa sofa.
"Ano? Iiwas ka nalang?" Nakangising sabi niya.
Napanguso ako "sorry" mahinang bulong ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
أدب المراهقينLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015