#75- ROBIN'S PUZZLE

10 0 0
                                    

Nakakamiss talaga ang barkada lalo na pag naiwan ka mag-isa.

Hello third year! After ng maaksyon kong debut ay pinning naman ng mga Ate at Kuya ang pinagdiwang namin. At ngayong school year ay mag-pa-practice teaching na sila. Kung sila may senior feels, ako may junior feels, ito nga-nga at naiwan. Pero ayos lang dahil we are all walking on the same road, magkikita-kita rin kami sa finished line.

I was busy walking on the corridor papunta sa first class ko.

"Hi Ate Allen" a group of freshmen waved at me.

I smiled.

"Hi" then waved at them also.

Yung feeling na hindi na ikaw yung bunso kasi may next generation na? Ito na yun eh. Kaliwa't kanan ang Hi Ate Allen mula freshmens to sophomores. Idagdag mo pang nanatili akong active sa LPEE, naghahanap na rin kasi kami ng aspiring candidate for Mr. And Ms. Education for this year, kaya medyo sikat kami sa lower years.

"Hi Allen" bati sakin ni Lynneth pagpasok ko ng classroom.

Napa-ohh ang bibig ko sa gulat.

"Snow white. Long time no see" sabi ko at nagbeso kami.

Napanguso siya "di mo alam na nag-stop ako?" She asked.

Napataas ang kilay ko at napa-iling.

"Hindi sinabi ni Red sayo?" Takang tanong niya.

"Sa t'wing makikita ko si Red, may event" napapangiwing sabi ko.

Bumuntong hininga siya "whatever! Importante, Im back!" Nakangiting sabi niya.

Ngumiti rin ako "and Im glad your back"

Infairness namiss ko 'tong babaeng 'to.

Maya-maya lang ay pumasok na ang iba pang kakilala ko, nagtaka pa ako kung bakit parang iisang block yata kaming lahat. Pumasok si Pat, Red at Nikki. Maya-maya lang si April at Lou naman. Tapos even the other english majors na nasa ibang block nandito rin. Hindi naman sa kinukwestyon ko no, pero kasi tatlong block ang english majors kaya madalang din kami magkita-kita ng mga kakilala ko.

"Allen? Allen!" Nakangiting lumapit sakin si Pau.

Ngumiti rin ako at nakipag-beso sa kanya "ang liit yata ng mundo natin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Maliit na talaga Allen" sabat ni Pat at umupo sa tabi ni Pau.

"What happened?" Tanong ko pa at nilingon si Nikki na umupo sa tabi ni Lyn.

"CRE happened!" Tila nanghihinayang na sagot ni Pau.

Napakunot ang noo ko we are all a hundred and twenty students in our batch, down to---

"Thirty-five nalang ang juniors" malungkot na sabi ni Pat.

Napasandal kaming lahat at napabuntong hininga.

"Good morning, survivors!" Nakangiting sabi ni Sir Xavier.

"Good morning, Sir" sagot naman namin at nagsipag-ayos ng upo.

"I felt sad when I heard the news that out of one hundred-twenty, you are now just thirty-five" napailing pa siya.

Nakakapang-hinayang talaga dahil wala man lang sa kalahati ang nagawang ipasa ang CRE. It's either they shifted into another courses, change their school or just stopped. Pero sana dun nalang sa naunang dalawa ang ginawa nila.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon