Because of you I'll never stray too far from the side walk. Because of you I learned to play on the safe side so I don't get hurt. Because of you Im ashamed of my life because its empty..
Rinig kong kanta sa pinapakinggan ni Manang sa radyo niya.
"Kia! Don't run on the stairs!" Saway ko sa four years old na si Kia.
Nasaan ako? Nasa Tarlac, dumating si Mommy with Kia. Dito daw sila magpapasko, saka since hindi pa naman nag-aaral si Kia, dito muna siya.
"Tita, what are you doing?" She asked habang maarteng bumababa ng hagdan.
Sem-break na at next week enrollment nanaman. Nakaupo lang ako sa sofa habang umiinom ng juice na nasa tetra pack.
"Im checking on my grades" sabi ko at sumipsip ulit sa juice habang paulit-ulit na nirereload ang portal ng grades namin.
"Can I play on your tablet?" Tanong niya at patalon na umupo sa tabi ko.
"No. It's not for kids" sagot ko at inilapit ang mukha ko sa monitor.
"Tita, how does it taste?"
Napataas ang kilay ko at nilingon siya.
"This?" Pinakita ko ang juice.
"No" sabi niya at umiling. Kinunutan ko naman siya ng noo.
"That metal on your teeth, how does it taste?"
Napahagalpak ako ng tawa sa kainosentehan ng tanong niya.
I already got my braces last week pa at ang daming bawal, lalo na ang matitigas na pagkain. Naku!
Siniringan niya ako ng tingin. "Tita please, I want to play please.." Pagmamakaawa niya.
"For a while" nakangiting sagot ko at ni-reload ulit ang portal.
Nanlaki ang mga mata ko at inangat ang laptop ko para makita ng malapitan ang general weighted average ko.
Hold your breath..
Dahan-dahan kong ini-scroll down..
"Wwaaaaahhhhh!!! Oh my Gaaahhhhddddd!!!" Tili ko at nagtatalon-talon.
"Mommy!!" Tili ko pa.
"Ano bang nangyayari sayo?" Nakangiting tanong ni Mommy na kakababa lang.
"I got a solid one point twenty-three! Yiiieeeehhh!!" Tili ko pa ulit at paikot na tumatalon.
"Well congrats. Ano ba gusto mong reward?" Tanong ni Mommy.
Ngumiti ako ng malawak "can we go to the mall?" Nanlalaki matang tanong ko.
"Ngayon na?" Asked Mom.
Sunod-sunod akong tumango. Ngumiti si Mommy at tinanguan ako.
"Kia! Go up stairs and take a bath, we're going to the mall" nakangiting sabi ko kay Kia.
"We're going to the mall!!" Tili ni Kia at tumakbo paakyat.
Nag-bihis lang ako ng maong short-short na tinernuhan ko ng black off shoulder blouse at gray chucks.
Hawak kamay kami ni Kia habang nag-lalakad sa loob ng department store ng may masalubong kaming lalaki. Matangkad, maputi, magulo ang medyo mahaba niyang buhok. Pagkalagpas niya sa amin ay napahinto ako at naisunod ang tingin ko sa kanya. Yung amoy niya..
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Ficção AdolescenteLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015