#58- ANG PISO ;)

15 0 0
                                    

A week after that insane day! Nakakaloka pa rin para sa side ko na ang isang campus heart throb eh kilala ako at nagpakilala pa sakin. Mygulay!

"Grabe friend! That was Robin we are talking about here!" Maarteng sabi ni Pat.

Inirapan ko siya at tinuloy ang pagkain ng cupcake.

"Oh my God! Wala ka bang paki?! Are you even a normal?" Namamangha pang sabi niya.

Sinimot ko ang vanilla filling ng cupcake na kumapit sa tinidor saka siya pinakatitigan.

"What?!" Nanlalaki matang sabi niya.

"Ano bang pinag-uusapan niyo at ume-echo yang boses mo Patchot?" Nakangiting sabat ni Henry na kakarating lang.

"You can't believe what she did Kuya!" Itinuro pa ko ni Pat.

"What?" Kunot noong tanong ni Henry.

Sinimulan ko ulit kumain ng pangalawa kong cupcake.

"The famous Robin Dueñas gave her a boquet and asked her for lunch early this morning, and what she did was unbelievable!" Pat said in horror na para bang hindi na makatao ang ginawa ko.

I rolled my eyes heavenwards at nilingon si Henry.

Ngumiti si Henry ng pagkatamis-tamis at talagang naningkit ang mga mata niya.

"Ano bang ginawa niya?" He asked habang dahan-dahang inilalagay ang kamay niya sa bewang ko.

Napahawak si Pat sa noo niya at madramang bumuntong hininga.

"Robin be like, hi Allen, can I ask you out for lunch? Sabay abot ng flowers but Allen be like, tingin sa flowers, tingin kay Robin then put her earphones on sabay lakad ulit! My gulay!" Maaksyong kwento ni Pat at natawa pa kami ni Henry.

"Sorry to disappoint you Pat, but I got a loyal and faithful girlfriend here" nakangising sabi ni Henry at dahan-dahang nanlaki ang mata ni Pat.

"You got--- what?!" Gulat na gulat na sabi niya at natawa nalang ako sa pagiging exaggerated niya.

"Kami ulit, Patchot. That's why I don't entertain guys" nakangiting paliwanag ko at sumiksik kay Henry, hinigpitan naman niya ang pagkakahawak sa bewang ko.

"Woah!" Sabi niya at maarteng itinakip pa ang palad sa bibig.

"Ba't ang ingay nanaman ni Patricia?!" Kunot noong tanong ni Gab na kakasulpot lang.

"Huli sa balita eh. Kinukwestyon kasi ako sa pag-deadma ko kay Robin" nakangusong sabi ko at inabutan siya ng cupcake.

"San galing 'to?" Tanong niya habang binabalatan ang cupcake.

Inginuso ko si Henry "binigay niya kanina" sabi ko.

Tumango naman si Gab at inagaw ang tinidor ko.

"Uy!" Saway ko pero ginamit na niya.

Nginiwian ko nalang siya at tinignan sa compact mirror ang ngipin ko, ng hindi makuntento ay pinakita ko pa kay Henry. Nakangiti naman siyang umiling at inabutan ako ng bottled water.

"Hello!" Masayang bati ni Ate Julie.

Nginitian ko siya at binigyan ng cupcake.

"Wow! Thank you baby. Oh ba't nakasimangot 'to?" Biglang tanong niya at tumabi kay Pat.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon