May mga pagkakataon talagang pakiramdam natin nasayang natin yung pinaka-malaking offer ng tadhana sa atin.
Pero kung na-enjoy naman natin bakit kailangan natin panghinayangan? I mean if you took the small opportunities before wala ka naman sigurong dapat pagsisihan if you didn't grab the bigger one. Maybe it's not really for you.
Pero pag may happy couple inggit much ang status?! Kaplastikan mo 'Teh!
Easier said than done nga kasi 'di ba? Madaling magpayo para sa iba pero ikaw mismo hindi mo masunod yung sarili mong payo.
"Bakit nga ba single ka pa Allen?" Tanong ni Pat classmate ko.
"Ewan ko" natatawang sagot ko.
"Two years ka ng member ng dance troupe wala ka pa ring manliligaw?" Nakangiwing sabi niya.
Nginiwian ko rin siya.
"Dancing is my life Patchot, I didn't join the dance troupe to find love life. Isa pa mas importante sakin ang thesis kesa sa pag-ibig!" Pagdadahilan ko.
"Aysus! Ang sabihin mo hinihintay mo pa rin siya" nakaturong sabi pa niya.
Siniringan ko siya ng tingin. "Wala akong hinihintay Pat. Kasi kung kami kahit-
"Kahit saang sulok ka pa ng mundo makarating, kahit kayo para sa isa't-isa kung hindi ka niya hahanapin hindi magiging kayo!" Putol slash kontra niya sa dapat sasabihin ko.
"Alam mo ang Kj mo!" Nginusuan ko siya.
"Kasi friend! Walang forever!" Banat pa niya.
"Ampalaya lunch mo 'teh?! Bitter na bitter ah!" Nakangiwing sabi ko at tumawa lang siya.
Alam niyo kasi naniniwala akong; kung kayo talaga ng taong mahal mo ang para sa isa't-isa, walang gagawing kontra ang tadhana para sa inyo. I mean, if its meant to be it will be. Kahit hindi ka kumilos, siya ang kikilos para mahanap ka.
Kumbaga, chase your dream nga 'di ba? Edi if I am his dream, let him chase me.
Let him do the chasing.
I am Allen Claire Yuzon and this is my story.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Fiksi RemajaLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015