Lumipas ang mga araw ko na inoobserbahan lang si quiet guy. Waiting for him to talk.
Kasi naman nakaka-akit talaga para sa mga chismosang tulad ko ang ganyang klase ng tao, tahimik at misteryoso.
"Abby, tignan mo yun" sabi ko at inginuso si Brando, classmate namin.
"Pangit" agad na sabi niya. Ang bad!
"Tignan mo muna kasi" pangungulit ko.
"Makinig ka nga" sabi niya.
Sumilip ako sa notebook niya at napangiwi. Nag-le-lettering.
"Wow ah! Sayo pa talaga nang-galing yan?" Sarkastikong sabi ko at umayos ng upo.
Paano ba naman kasi ako makikinig, eh bukod sa napakahirap ng chemistry eh daig pa ng batang walang sustansya sa katawan yung teacher namin. Kung hindi niya alam, boring ang subject niya at dapat lively siya para ganahan naman kaming mga tamad na makinig sa kanya.
So ang ending lumayas ang teacher namin ng wala akong nagegets.
Tumayo ako at nag-inat.
"San punta?" Tanong ni Abby habang nakatingala sa akin.
Nginitian ko siya "mangungulit" sabi ko at lumabas ng classroom.
"Allen! Pumasok ka.." Pagmamakaawa ni Ruth.
Nilingon ko siya "oo na 'wag ka na umiyak" pagbibiro ko saka pumasok at dumeretso kay quiet guy.
"Hi kuya!" nakangiting sabi ko.
No response.
"Patabi ah" tinuro ko ang upuan sa tabi niya.
He nod.
Umupo ako "ba't hindi ka nagsasalita?"
He shake his head.
"Pipi ka ba?"
Umiling ulit siya.
Hala! Si koya hindi kumikibo.
"Siguro bungi ka!" Natatawang sabi ko.
Nakita kong naningkit lalo ang mata niya at saka umiling.
OMG! He smiled.
"You smiled!" Nakangiting sabi ko.
Nawala yung paniningkit ng mata niya at nag-iwas siya ng tingin.
"Anong pangalan mo?" Pangungulit ko.
He answered.
"Huh?"
Inulit niya. Wait! Hindi ko nadinig! Nabibingi na yata ako!
I was about to say another huh.
"Allen! Recess na!" Lumapit samin si Joy "anong ginagawa mo dyan?" Kunot noong tanong niya.
"Kinakausap siya" inosenteng sagot.
"Halika na!" Hinatak niya ko sa braso.
Binawi ko ang braso ko "teka!" Pigil ko pa pero pinagtulungan na nila ko ni Abby.
"Kuya, di ka bababa?" Baling ko kay quiet guy.
Umiling siya.
"Loko mamaya nananapak yan ng babae!" Saway nila sa kakulitan ko.
"Gago pumapatol ako sa lalaki!" Nakangiting sabi ko at tumayo.
"Di ka talaga bababa?" Pangungulit ko pa.
Umiling lang siya ulit at naningkit nanaman yung mata niya.
He smiled again!
"Wag mo masyadong kulitin yun mamaya mapikon" sabi ni Joy habang nagtitingin ng meryenda.
"Ngumingiti nga eh" sabi ko at dumukot ng pera sa bulsa ko.
"Hindi mo naman kasi kilala yun" sabat ni Abby habang nagbibilang ng kayamanan niya.
"Kaya nga kikilalanin" sabi ko at kinalabit si Joy "palabok" sabi ko at nag-abot ng bente saka naghanap ng mapupwestuhan namin.
"Gwapo ba?" Tanong ko habang kumakain.
Hindi kumibo si Joy.
"Hindi ko napapansin" sagot naman ni Abby.
Nanahimik na kami at tinapos ang pag-kain at umakyat na.
Gaya ng inaasahan nandoon nanaman si quiet guy at may hawak na bote ng c2.
Hindi ko naman siya nakitang bumaba. Ano 'to? Ninja?!
Tumambay muna ako sa corridor at sumandal sa railings.
"Ayan oh si Allen" dinig kong sabi ng isang lalaki na kakatapak lang sa floor namin. Napalingon ako. Ang F4.
"Hi Allen" kaway sakin nung pinakamatangkad.
Tinaasan ko sila ng kilay "anong ginagawa niyo dito?" Mataray na sabi ko.
"Sungit" sabi nung pinaka-gwapo.
Nginiwian ko sila at bumalik sa pagsandal sa railings. Lumapit sila at pinagitnaan pa talaga ako.
Eugene, Renz, ako, Carl at si Aldrin.
Umusog ng umusog si Eugene at nasiksik si Renz kaya umusog din siya, umusog rin ako pero walang'ya naman! Umusog rin si Aldrin at Carl kaya nasandwich ako.
"Ano bang kailangan niyo?" Inis na tanong ko habang tumatanaw sa quadrangle.
"Kami wala, si Carl meron." Sagot ni Eugene, yung pinaka-gwapo.
Pero hindi ko nilingon si Carl. Hell no!
"Anong kailangan nito?" Tanong ko kay Eugene. Nagkibit balikat lang siya, nilingon ko si Renz yung escort namin nagkibit balikat lang din siya habang naka-nguso.
So wala akong choice.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko kay Carl, the tallest at sumusunod ang kagwapuhan kay Eugene.
Gwapo naman silang apat, magkaka-ibang level nga lang sa paningin ko.
Ngumiti lang siya at yumuko. "Wala. Tara na" aya niya kay Aldrin at Eugene.
Luh! Abnormal.
Ending naiwan kami ni Renz. "Oy pogi anong kailangan non?" Instead na sagutin ako, tinignan niya lang ako na parang iritang-irita.
Sudden change of mood?
Uso talaga abnormal pagtungtong ng third year eh. Tsk!
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015