Sabi nila kapag iniwan ka na ng lahat lagi mong isipin na nandyan pa si God at ang pamilya mo. What if it was the other way around? Instead of them leaving you, it was you who leave them?
Christmas break pero bago ang noche buena mamaya ay nilulunod ko pa rin ang sarili ko sa pag-gawa ng baby thesis ko.
"Get a life!" Pang-aasar ni Ate Chinny.
Inayos ko ang salamin kong para sa radiation at itinuloy ang pagtatype.
"Isa nalang" sabi ko at sinilip ang hand out ko.
"Hindi ko alam kung bakit bigla kang naging ganyan kasipag mag-aral. May nangyari ba?" Tanong niya at narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Bumuntong hininga ako at isinave sa flash drive ang gawa ko saka inikot ang swivel chair ko paharap sa kanya. Bumuntong hininga ako at hinubad ang suot kong salamin.
"I--- I just want a good grades, Ate" pagdadahilan ko.
Itinabingi niya ang ulo niya na para bang hindi siya sigurado sa nadinig niya.
"A good grades? Hindi pa ba sapat ang mga uno mo sa lahat ng pinapagawa ng mga prof mo sa inyo?" Nagtatakang tanong niya.
"I need a solid one at the end of the semester para hindi na ko magtake ng retention exam saka para sure ball na third year na ko next year" paliwanag ko.
Ngumuso siya at tinitigan ako "pero kasi bakasyon, dapat petiks ka lang!" She said at hinatak ang inuupuan ko para gumulong palapit sa kanya.
"Time heal all wounds" ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko at tumayo saka ako iniwan.
Napapikit ako saka bumuntong hininga at sinulyapan ang patay kong laptop bago tumayo at bumaba.
Busy sa kusina sila Mommy at Manang, habang nakikigulo naman si Kia sa ginagawa nila.
"Mom.." Agaw pansin ko sa kanya at umupo sa harap nila.
"Finally naisip mo ring bumaba" she said na para bang nakahinga pa ng maluwag.
Im not into telling or sharing stories with Mom but this time, atleast once, gusto kong subukan.
"Mom, is it wrong to hold on someone's promise?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya dahil mukhang interesting ang kulay gray naming refrigerator.
"No. As long as you trust that person. Why?" She said at inihinto ang ginagawang paghihiwa sa gulaman.
"Hinihintay ko pa rin kasi si Rodney" nakangusong sabi ko.
"Does he assure you?" Takang tanong niya.
Nilingon ko siya "he told me that as long as he loves me, susundan niya ako kahit saan. Pero bakit hanggang ngayon wala pa siya?"
Bumuntong hininga si Mommy "anak alam mo kasi, minsan umaasa tayo sa mga bagay without considering their sides. Katulad ng sa inyo, he promised, pero anak, nasaktan din siya, isipin mo nalang kung anong naramdaman niya ng umalis ka, nung hiniwalayan mo siya" mahabang sabi niya at umikot sa lamesa para matabihan ako.
"I still love him Mom. Akala ko dati pwedeng itulog ang love, yun bang pag gising mo makakalimutan mo na yun, but Mom I've been sleeping everyday in two years now! Pero bakit nandito pa rin? Bakit masakit? Bakit nahihirapan ako?" Nagsimula ng mamuo ang luha sa mga mata ko.
"Maybe iniisip niya rin na baka kaya ka umalis ng walang paalam eh dahil ayaw mo na talaga sa kanya. Bakit hindi mo tawagan? O kaya itext? Facebook? Viber? Skype? High tech na ngayon why don't you make the first move instead of waiting for him to do it?" Mom said habang hinihimas ang likod ko.
"What if ayaw na pala niya sakin?" Naiiyak na tanong ko.
"Then I guess its time for you to accept that fact, let go of your feelings for him and move on" Mom said at niyakap ako.
Tahimik akong umiyak sa balikat ni Mommy. Ilang beses ko na bang iniyakan ang ganitong klase ng sitwasyon?!
It was twelve midnight. Kinatok pa ako ni Vince just to greet a merry christmas.
"Hindi kita reregaluhan ah. Hindi ko kasi alam kung saan ko hahanapin yung gusto mong regalo" nakagiting sabi niya.
Nginusuan ko siya "hindi rin kita reregaluhan! Ipapakilala ko pa naman sana sayo si short haired with sweet personality and her braces!" Sabi ko at naningkit ang mata niya.
"Juliana "Julie" Requizo" paglilinaw ko pa at tinaas baba ang kilay ko.
"Stalker!" He said tumawa ako at inabot sa kanya ang maliit na kahon.
"Hindi yan si Ate Julie pero sana magustuhan mo. Merry christmas"
Ngumiti siya at kinuha ang box. Inalog pa niya yun sa tapat ng tenga niya bago kunot-noong binuksan iyon."Papel?" Nagtatakang sabi niya.
Ngumiti ako at tinignan ang mukha niya.
"Number at address ni Julie?" Natatawang sabi niya.
Tumango ako "make your move or just regret that you didn't?" paghahamon ko pa sa kanya.
Ngumisi lang siya at umambang guguluhin ang buhok ko ng umiwas ako.
"Uh yeah! Touch everything except your hair!" Sabi pa niya at nagkatawanan kami.
That was one great christmas eve with my family.
Days passed at halos mabingi ako sa mga tunog ng iba't-ibang paputok na nagmumula sa street namin, seems the lifeless subdivision suddenly became lively.
Inakbayan ako ni Vince habang nasa rooftop kami at parehong nakadungaw sa ibaba.
"New year nanaman. Ikaw at yang nararamdaman mo nalang ang hindi nagbabago" he said in serious tone at nagsalubong ang paningin namin.
Ngumiti ako at tumingala "I asked Santa this past christmas" tumawa pa ako "but this time, for a thousand or million times now, I want to ask God. I want Rodney beside me again.." Sabi ko at pumikit saka nagbuntong hininga.
"He's very lucky" rinig kong sabi niya.
Napadilat ako at nanatili ang tingin ko sa langit.
"He really is" tumawa pa ako bago ibinaling ang paningin ko sa kanya.
Inalis niya ang pagkaka-akbay niya at namulsa.
Natahimik kami saglit at narinig namin ang countdown ng mga tao sa baba.
"Happy new year, Allen" he whispered.
Ngumiti ako at pinanood ang pagsabog ng iba't ibang kulay sa kalangitan na nagmumula sa mga fireworks.
"Happy new year, Vince" sabi ko at nilingon siya.
Tinanguan niya ako at nginitian.
I put my both hands beside my mouth, humugot ako ng hangin bago sumigaw.
"HAPPY NEW YEAR!!!" Natawa pa ako ng sinabayan ako ni Vince sa pagsigaw.
"Happy new year!!!" Masayang sigaw nila Mommy na kaka-akyat lang at may hawak na mga nakasinding lusis.
Binigyan din nila kami ni Vince at nakangiti kong pinanood ang spark sa dulo ng lusis saka wala sa sariling napahawak ako sa pendant ng kwintas ko.
Happy new year, Rodney..
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Ficção AdolescenteLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015