Kinikilig pa rin ako pag naiisip kong mas pinaboran ni Rodney ang kapritso ko.
"Mabuti naman okay na kayo?" Nakangiting sabi ni Joy sa akin.
Ngumiti ako "oo naman, mas love niya ko eh" kumindat pa ako saka humagikhik.
"Balik sigla ahh!" Nakangiting sabi ni Mav.
Nginisian ko lang siya at itinuloy ang pagsusulat sa likod ni Rodney gamit ang daliri ko habang nakadukdok siya sa desk ng upuan ko.
"Makati?" Biglang sita ni Erin sa amin.
"Pangs, makati ka daw" natatawang bulong ko at nag-angat siya ng tingin.
"Hayaan mo siya" seryosong sabi niya at yumuko ulit.
"Wala daw siyang pakielam Erin" sabi ko at naghagikhikan ang mga kaibigan ko.
"Pesteeee!!!!" Gigil na sigaw niya at umalis sa harap namin.
Nag-apir pa kami ni Joy at tuloy-tuloy na tumawa.
"Oh ito last" sabi ko kay Rodney at nagsulat sa likod niya.
I
L
O
V
E
Y
O
U"Ano?" Tanong ko at nakangiti siyang bumangon.
"I love you" nakangiting sabi niya.
Tumawa ako "I love you too"
"Waaahhhh!! I love you daw!" Maarteng sigaw nila at nagtatalon pa sa kilig.
"Talande!" Tinulak pa ko nila Antonio.
Natawa siya ng mahina saka nailing.
Tumawa lang rin ako.Recess..
As usual sabay kami ni Rodney at umaakyat rin kami agad pagkabiki dahil hindi daw siya fan ng malaking crowd, ayaw niya ng maraming tao at maingay kaya nagtataka talaga ako kung paano kaming nagkasundo.
Kakain kami ng sabay habang nagsosoundtrip o kaya habang nagkukwentuhan ng kung ano-anong bagay na wala namang kinalaman sa amin, madalas mga nasasagap kong tsismis."Pangs, kamusta kaya si Carl noh?" Bigla kong natanong at agad na sinamaan niya ko na tingin.
Nagbaba ako ng tingin "naalala ko lang" pagdadahilan ko at kumagat sa sandwich na binili niya para sa akin.
"Wala akong pake sa kanya" seryosong sabi niya at tumayo.
"O-oy! Aray!" Sita ko sa kanya dahil nahila niya ang nakakabit niyang earphone sakin.
Siniringan niya lang ako ng tingin saka iniwan ang cellphone niya at nagtapon sa basurahan namin sa likod ng classroom.
"Naalala ko lang. Wag ka ng magselos!" Nginisian ko pa siya ng makabalik siya.
"Wala kang ibang lalaking babanggitin pag ako kaharap mo" masungit na sabi niya.
Naging malawak na ngiti ang ngisi ko. "Crush mo ko no?!" Tatawa-tawang sabi ko.
"Hindi, mahal kita! Timang 'to!" Tinutok pa niya ang noo ko.
"Aray ah!" Inis na sabi ko at hinimas ang noo ko bago siya nginisian.
"I love you too" sabi ko at agad siyang napangiti.
"Ang corny niyo!" Sigaw ni Erin ng makapasok sa room.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015