Tahimik naming pinagsaluhan ang niluto niyang adobo kagabi at nagpaalam rin siya agad matapos kumain.
Halos hindi ako pinatulog ng nagwawala kong puso kaya naman nagmumura ang eyebags ko pag-gising ko kanina.
Inayos ko ang short ko at ipinampaligo ang pabango ko saka bumalik sa classroom.
"Bangooo!" Bati ni Joy ng madaanan ko siya.
Nginitian ko lang siya at inayos ko pa ang pagkakakulot ng naka-ponytail kong buhok.
Inayos ko ang suot kong tshirt at aayusin ko na sana ang sapatos ko ng bigla akong kinabahan.
Si Rodney nakatayo sa harap ko at parang niyakap pa niya ako ng ipulupot niya ang sleeve ng polo sa bewang ko at itinali iyon.
Shit! Ang traydor ng puso ko!
"Oy ano yan?!" Mapang-akusang sabi ni Antonio.
Sasagot sana ako ng nginitian ni Rodney si Antonio at agad na humataw ang puso ko! What's happening to me?
"Ay ano yan? Nagdate lang kahapon nginiti-nginitian nalang ang eksena?!" Maarteng sabi pa ni bakla.
"Sinong nakipagdate kanino?" Seryosong boses na nakapagpakaba ng husto sa akin.
"Hi Carl!" Nakangiti pang bati ni Mav.
"Uh.." Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Inaya ko lang magdinner kahapon si AC, wala namang masama dun 'di ba?" Nanlaki ang mata kong napalingon kay Rodney.
"Sumama kang magdinner sa lalaking to?!" Galit na sabi niya at itinuro pa si Rodney.
"Carl!" Saway ko sa kanya at napangisi siya.
"Mas lamang ba siya?!" Nang-iinsultong sabi niya.
"Uy Carl, walang ganyanan!" Awat ni Mav.
"Bakit En? Totoo ba yung sinasabi nila na hindi ka naman talaga one of the boys kundi malandi ka talaga?!"
Lalapat sana ang palad ko sa mukha niya kung hindi lang ako naunahan ni Rodney at sinapak siya.
"Rodney!"
"Carl!"
Sigaw ng mga kaklase ko. Nabigla ako at natulala sa nakikita ko, hindi pa nga nag-sisink in sa isip ko yung sinabi ni Carl eh!
"Ganyan ba ang manliligaw?! Nanliligaw ka pa lang nagawa mo ng bastusin?!" Galit na sigaw ni Rodney sa nakaupong si Carl at nakahawak sa panga niya.
"Panget, tama na" hinawakan ko si Rodney sa braso at naramdaman ko ang paghinahon ng nakakuyom niyang kamao.
"Carl, mag-usap nalang tayo mamaya" nakikiusap na sabi ko
Tinulungan siyang makatayo nila Mav at masamang tingin ang iniwan niya sakin bago tuluyang lumabas sa classroom.
"Ang galing ni Fafa Rodney!" Nakangiting sigaw ni Antonio.
"Hey calm down" bulong ko kay Rodney na matalim na nakatitig sa labas ng classroom at nakakuyom ang panga.
"Shit" mahinang mura niya at napapikit ng mariin.
"Ayos ka lang En?" Lumapit samin sila Joy.
Pilit akong napangiti "okay lang sana kung sa inyo nanggaling na malandi ako" tumawa pa ko ng pilit "kaso kay Carl pa nanggaling. Amazing!" Sarkastikong sabi ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Novela JuvenilLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015