Love will keep us alive. Siguro nga somehow at some point, it will. Pero hindi ba ang sakit na kasama ng love ay siya ring pumapatay sa atin?
Second semester already started. I tried logging in on my facebook to check my messages and such.
I clicked on Rodney's name on my inbox.
You can't reply on this message. Click here to learn more.
Ano ibig sabihin nun? Did he blocked me? Or what?!
Kunot noo kong nilingon si Nikki.
"Niks nung nag-deactivate ako ng facebook, natry mo bang imessage ako?" I asked Nikki habang nag-hihintay kami sa prof namin.
"Once" she answered.
"Anong nakalagay?" Tanong ko.
Ngumuso siya at inilagay sa bag niya ang cellphone "nakalimutan ko na eh. Bakit?"
Bagsak ang balikat na napa-iling ako. Pero kakapalan ko na ang mukha ko. I searched for Yang San Diego's profile and clicked the message button.
Yang, just want to ask, nag-deactivate ba ng facebook si Rodney?
Pinaglalaro ko ang mga daliri ko sa sa desk habang kabadong nag-aantay ng reply.
Yang is typing...
Tell me, bakit nakaka-nerbyos yang feature na yan ng facebook?!
Oo bhe, last august pa yata. Kahit cellphone wala siya. Hindi na rin kami nagkikita.
Wow lang sa info nakakapanlumo!
Ah. Ganun ba? Sige ah thanks.
Matapos nun ay hinayaan ko ng kalawangin ulit ang facebook ko.
"A-attend ba kayo ng acquaintance party?" Tanong ni Lou, bagong classmate ko.
Hindi ako kumibo at pinagpatuloy ang pagtatype sa written report ko.
"Oo naman!" Masayang sabi ni Nikki.
Nandito kami sa library ngayon at nag-uubos ng dalawang oras na break.
"Ikaw, En?" Baling niya sakin.
Nag-angat ako saglit ng tingin "oo" sagot ko at binalik ulit sa screen ng laptop ang paningin.
"Masyado ka naman yatang seryoso diyan?" Puna ni April na nag-susulat ng keyword for reviewer.
Huminto ako saglit at pinindot ang ctrl+s saka sila nilingon.
"Friday na deadline nito, hindi pa ko sigurado kung tama" napanguso ako at tinignan ang hand-outs at syllabus ko.
"Kulang lang sa inspirasyon yan!" Bulong sakin ni Nikki.
Ngumiti lang ako at tinignan mga kuko kong kulay gray.
"Una na kami" paalam ni Lou at tinanguan namin siya.
Pagkalabas nila ng library ay nagligpit na rin kami ng gamit, may isang oras pa kaming bubunuin kaya tatambay nalang muna kami sa mini forest.
Walang bakanteng kubo kaya nang makita ko si Henry sa isa ay duon na kami naki-upo.
"Hi Dad" bati ko sa kanya.
Ngumiti naman siya pero hindi na nag-abalang umupo ng maayos, naka-yuko kasi siya sa lamesa at nakaharap ang mukha sa kanan.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015