#62- THEY KNEW ABOUT IT!

5 0 0
                                    

Make peace with the past so it won't screw up the present.

Let's say hello to this another year. Maarte akong naglalakad sa daan papuntang cafeteria.

"Naka-palda ang isnabera!" Patuyang sabi ni Nikki ng masalubong ko.

Matamis ko siyang nginitian at pinasadahan niya ako ng tingin.

"Happy new year" bati ko at nagbeso kami.

Binati niya rin ako at tinignan ulit mula ulo hanggang paa.

"Off shoulder blouse, skater skirt at pumps. Anong nakain mo?" Taas kilay na sabi niya.

Natatawang napaiwas ako ng tingin sa kaniya at hinawakan ang suot kong hair clip.

"For a change!" Sagot ko at humawak sa braso niya.

Sabay kaming naglakad papuntang cafeteria.

"Ang laking change nga eh!" Sabi niya at hinawakan ang buhok kong dating hanggang bewang eh lagpas balikat nalang ngayon ang haba.

"Sorry last year" nakangusong sabi ko at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Nikki is 5'7" and Im proud to say that Im standing 5'6" tall.

"Sus! Naiintindihan ko naman yung topak mo. Pero kailangan mong ikwento sakin, what happened to you and Henry?" she said at inilapag ang shoulder bag niya sa table.

Inilapag ko rin ang sling bag ko at inayos ang palda ko bago umupo at dumikwatrong pambabae.

Wala pa kaming nakikitang kakilala kaya sinimulan ko ng ikwento kay Nikki ang nangyari.

Napa-palatak siya "I didn't expect that Henry can think that way"

Napanguso ako "ako rin, but everything happened last year and Im willing to talk to him para magkaayos na kami, I mean para maging friends na ulit kami. You know" nagkibit balikat ako "mahirap ang may iniiwasan" pagpapatuloy ko at iginala ang paningin sa cafeteria.

Sa hindi kalayuang lamesa ay natanaw ko si Gab at Kuya Julius na naka-upo doon at nagkukwentuhan.

Kinalabit ko si Nikki at inginuso sila sa kanya. Lumingon siya sa likod niya at ngumiti ng ibinalik ang paningin sa akin.

"I want to talk to them" sabi ko habang nakatingin do'n sa dalawa.

"Tara" Nikki said at hinawakan ang kamay ko.

Una akong nakita ni Gab dahil siya ang nakaharap sa gawi namin.

Ngumiti ako at napalingon na rin sakin si Kuya Julius.

"Happy new year" nakangiting bati ko.

Ngumiti at bumati rin si Kuya Julius but Gab just gave me a cold stare.

Napalunok ako at tinignan siya "can we join you?" Alanganing tanong ko.

"Sure" sabi ni Kuya Julius at ipinaghila pa kami ng upuan.

Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang dalawang maliit na gift box.

"I want to apologize for being rude last year" sabi ko at inilapit sa kanila ang box.

Napatingin sila sakin at tinignan ang box sa harap nila.

"Christmas gift ko sana ito kaso I don't how to approach you nung christmas party kaya..." Pabitin kong sabi at napakagat sa ibabang labi ko.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon