Sabi nila pag mahal mo raw ang isang tao, palayain mo. Pero applicable lang naman yun kapag ang other half ay hindi na masaya sa relasyong meron kayo.
"Hindi na yata kayo nagsasama ni Rodney" takang tanong ni Abby habang nakatambay kami sa labas.
Ngumiti ako "expired na kontrata ko" tumawa pa ako at humarap sa quadrangle.
"Loko! Hindi nga?" Di makapaniwalang sabi niya.
"Pinamigay ko na, di ko rin maalagaan eh"
"Seryoso?"
"Uhm" tumango ako at nilaro ang suot kong sing-sing
"Bakit?"
Nginitian ko siya "Abby.. Secret lang 'to ahh"
"Ge count on me!" Nakangiting sabi niya.
"After graduation, sa Tarlac na ko mag-co-college. Maiiwan si Rodney at yun ang ayaw kong mangyari" mahabang paliwanag ko.
Ngumuso siya "alam ba niya?"
"Hindi. Kaya sana satin nalang yun"
Tumango naman siya at hinaplos ang likod ko. Napaiwas pa ako ng tingin ng masulyapan si Rodney at si Yang.
After ng failed birthday surprise ko para kay Rodney ay binawasan ko na ang pagiging clingy. Kung dati, kami ni Rodney ang pinapanood, ngayon ako na ang nakikinood kay Yang at Rodney. Gaya namin, maganda rin ang samahan nila at sweet sila sa isa't-isa. Baka nawala na rin ang pagmamahal sakin ni Rodney.
Natitiis na niya ko ehh.
October na at mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Hindi na rin siya nagparticipate sa nagdaang foundation week namin at imbes na pumunta ako sa foundation ay nagkayayaan nalang kami nila Joy, Yvette, Mae, Mav at Erin na mag VCM at halos buong linggo kaming nag-uubos ng pera sa videoke.
Dagdag mo pang broken hearted si Joy sa panahon na yun.
Weekend at wala akong magawa sa bahay ng may maligaw na bisita.
"Uy! Napadalaw ka?" Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Pasok. Mag-uusap tayo!" He said at binangga ang balikat ko.
Napataas kilay ako at isinara ang gate saka siya sinundan sa loob.
"Ba't umiiwas ka?!" Galit na tanong niya.
Pabagsak akong umupo sa sofa.
"Hindi ako umiwas, naging busy ka lang kay Yang" kibit balikat ko.
Kinuha niya ang kamay ko at napakunot ang noo niya "where's the ring?"
Kinuha ko ang kamay ko sa kanya "tinago ko na baka magselos pa si Yang"
"Si Yang?! Magseselos? Friends lang kami" paliwanag pa niya.
"Okay" walang ganang sagot ko at nagkibit balikat.
"What do you want me to do?" Frustrated na sabi niya at umupo sa harap ko.
"Wala. Ayokong maging selfish. Kung gusto mo si Yang, edi go! Court her" nakangising sabi ko.
"En.." Malungkot na sabi niya.
"I can't keep you Rodney. Kaya pwedeng-pwede mong ligawan si Yang" sabi ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Roman pour AdolescentsLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015