#10- KRISTINA

11 0 0
                                    

Halos ninety percent ng populasyon ng batch namin ay iniisip ang love life, samantalang ako mas pinoproblema ko pa kung saan ako kukuha ng pang-load.

Isang linggo na pero sikat pa rin ang tanong na anong ginawa mo?

Ano nga ba yung ginawa ko? Pag-iinarte? Pag-mamaganda? Pero pwede rin bang 'wag niyo ng itanong dahil hindi ko rin alam kung ano ang ginawa ko o kung bakit ko ginawa yun.

Grade four ng maging classmate ko si Carl, pero grade five lang kami naging mag-kaibigan. Nag-kukulitan lagi hanggang sa namalayan ko nalang na kulang ang araw kapag absent si Carl, malungkot si En-En pag walang Carl. I don't know pero baka yun yung tinatawag nilang puppy love. At young age, I assume that everything between me and Carl is perfect until one day my grade six classmate, Fern, a transferee told me that Carl was her ex. Ex at very young age. Ni-wala nga akong idea kung ano ang puppy love but my heart knows how to react. Mentally ang alam ko lang naagawan ako ng kaibigan. Everytime I got a chance to ask Carl about Fern and that being ex thingy, all he can manage to say is; 'hindi naging kami wag kang maniwala doon'. But because Im not good in following the rules mas pinaniwalaan ko si Fern.

Dumaan ang first and second year ng high school na iniiwasan ko si Carl, I know what section he belongs, kung saan ang room niya para hindi ako dadaan doon.

Until that day came, yung sinandwich nila ko ng barkada niya, after two years, yon nalang ulit yung chance na nagkausap at nagkadikit kami. Taking the fact na siya ang umakyat sa floor namin para makipaglapit ulit sa akin.

Ako ang unang tumapos sa friendship namin but he ended up falling in love with me.

Parang kailan lang naglalaro lang kami then the next thing I know is tinatanong na niya ako kung pwedeng manligaw.

"En labasin mo na yun" inginuso sakin ni Joy si Carl na nakasandal sa railings.

Bumuntong hininga ako at lumabas ng classroom.

"Hi baby" nakangiting sabi niya.

"Anong kailangan mo?" Seryosong sabi ko.

"Ikaw" ngumiti siya "kailangan ka pa rin nito" tinuro niya ab dibdib niya.

Ang corny talaga!

Napangiti ako at kinurot ang pisngi niya. Tumatawa niyang hinawakan ang kamay ko.

"Tara libre kita ng burger" nakangiting sabi niya at hinila ako.

"Samahan mo na rin ng drinks" natatawang sabi ko.

Ngumiti siya at inakbayan ako "oo naman"

Nginitian ko rin siya at inilagay ang braso ko sa bewang niya at ikinapit ang kamay ko sa uniform niya.

"Namiss ko to" sabi niya at hinigpitan ang pagkaka-akbay.

Napatingin ako sa mga estudyanteng tinitignan kami.

"Ma-issue tayo nito" natatawang sabi ko.

"Hayaan mo sila" tumawa rin siya.

Narating namin ang canteen ng nagtatawanan. Matapos niyang bumili ay napili naming umupo sa hagdanan ng stage sa quadrangle.

"Edi kayo na niyan?!" Patuyang sabi ni Antonio kasunod ang mga kaibigan ko at umupo sa baba namin.

Ngumiti ako saka umiling "hindi"

"Ayaw nito sa gwapo. Gusto maganda." Natatawang sabi ni Carl.

"Ay oo crush niyan si Tina" gatong naman ni Joy.

Tumikhim ako at nagbilang sa daliri ko "maganda. Simple. Natural. Mabait. San ka pa?" Tanong ko sa kanila.

"Kita mo na?" Tanong ni Mav kay Carl.

"Oh ayan!" Itinuro ni Joy ang paparating na si Tina.

Tumayo ako at sinalubong siya.

"Hi babe" sabi ko at hinawakan siya sa bewang.

"Hi" nakangiting sabi ni Tina.

"Sige na magmeryenda ka na" sabi ko at niluwagan ang pagkakahawak sa bewang niya.

"Sige" sagot naman niya at hinalikan ako sa pisngi at kumaway sa mga kaibigan ko.

"OMG! OMG talaga!" Maarteng tili ni Antonio.

Napangisi ako "yun ang diskarte!" Sabi ko at tinapik si Carl.

"Pananantsing yun!" Sagot ni Ruth.

"Yan! Yan ang pagiging-judgemental!" Tinuro ko pa siya at nagkatawanan kami.

Si Tina o Kristina ay girl crush ko, mabait kasi, pero hindi yung nasa loob ang kulo, alam mo yun? Yung babaeng natural, hindi pagirl, hindi maarte.

"Crush ka ni Tina" hinala ni Joy habang paakyat kami.

"Hindi yun, walang malisya yun" nakangiting pagdadahilan ko.

Naunang pumasok ang mga kaibigan ko at bago pa ko makasunod ay inakbayan na ko ni Carl.

"Ikaw nga umamin ka-

"Hindi ako tomboy! Tatak mo yan dyan!" Sabi ko at tinuktok ang noo niya.

Napangiwi siya at hinaplos ang noo niya.

"Eh ba't ganun ka kung makangiti?!" Pang-aakusa niya.

"Halikan ka ng crush mo paano ka ngingiti?! Timang to" sabi ko at inirapan pa siya.

"Pano yung puso ko?" Nakangusong tanong niya.

Nginisian ko siya "sige manligaw ka at tignan natin kung mahihigitan mo si Tina sa puso ko" sabi ko at tinapik pa ang dibdib ko bago siya tinalikuran pero pinigilan niya ako.

"A-ano?!" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Nginisian ko siya bago tumingkayad para mabulungan "talo bingi" tumawa ako at kinindatan siya saka tinalikuran.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon