#44- LAST DANCE

8 1 0
                                    

Ang pagsasayaw ang siyang paraan ko para i-express ang nararamdaman ko, I mean this is my passion. Pero sa t'wing sasayaw ako ay hindi maalis sa sistema ko ang kaba.

"Hey, relax. Namumutla ka na" nag-aalalang sabi ni Rodney habang matamang nakatitig sa mukha ko.

Tinignan ko lang siya ng nag-aalala saka pinagpag ang dalawa kong kamay. Napahinto yun ng hawakan niya at pagsiklupin ang mga daliri namin.

"Punta na kayo sa gilid, next na kayo" sabi ni Mav at sinamahan kami hanggang gilid ng stage dito sa rooftop.

Habang pinapanood ang unang nagsasayaw ay naramdaman ko ang mainit na palad ni Rodney sa balikat ko.

"Tayo ang magkasama kaya relax lang" bulong niya.

Ngumiti ako at hinarap siya, dinampian niya ng mabilis na halik ang noo ko.

Nakakabinging palakpakan at tilian ang umugong ng tawagin kami ng emcee.

Pumwesto na kami ni Rodney at hinihintay nalang mag-play ang kanta.

Np: Its all coming back to me now

Kumakabog ng husto ang puso ko lalo na ng umugong sa apat na sulok ng rooftop ang intro ng kanta..

Unti-unting natahimik ang crowd. Halos magwala ng husto ang puso ko ng makita ko ang seryosong ekspresyon ni Rodney.

Nang pinapraktis kasi namin ang sayaw ay madalas kaming matawa o kaya mapangiti lalo na sa mga part na medyo intimate.

Dinama ko ang bawat letra ng kanta at nakita ko kung paano siyang namangha ng masalamin sa mata ko ang lungkot.

Dumako sa chorus ng kanta. Kinilabutan pa ako ng maramdaman ang paghaplos niya sa braso ko at pahablot ang iniharap sa kanya.

Napapahinga ng malalim ang mga nanunuod lalo na ng haplusin ni Rodney ang pisngi ko.

Nagtilian ang mga tao ng tumakbo ako at hinabol ako ni Rodney saka mahigpit na niyakap mula sa likod pero pinilit kong makawala at nagulat pa ako ng makita sa mga mata niyang nasasaktan siya.

Patapos na ang kanta at hindi ko na maramdaman ang mga nanunuod sa amin. Tanging si Rodney lang nakikita ko.

♪♪ if you forgive me all this ♪♪

Marahan niyang hinaplos ang kaliwang pisngi ko habang titig na titig sa mga mata ko. Umugong ang tilian ng mga nanunuod.

♪♪ if I forgive you all that ♪♪

Marahan ko ring hinaplos ang pisngi niya at habol ko ang aking hininga habang mabilis na tumitibok ang puso ko.

Lalong umingay ang mga nanunuod ng unti-unting lumapit ang mukha niya at dahan-dahan siyang pumipikit.

♪♪ we forgive and forget but its all coming back to me now ♪♪

Napapikit rin ako at ramdam ko na ang pagpipigil ng hininga ng mga nanunuod hanggang sa maramdaman ko ang..






Mainit na hininga niya sa pisngi ko at hinihingal pa ako ng humarap ako sa audience at naiwan ang mukha niyang nakaharap sa pisngi ko.

"Waaaaahhhhhh!!!" Tilian nila at sabay-sabay na pumalakpak.

"Wow! What an intense performance! Ramdam na ramdam mo yung sakit sa kanilang dalawa!" Masayang sabi pa ng emcee at pinasalamatan kami at sabay kaming nag-bow ni Rodney.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon