Nakaka-loko talaga kapag hindi mo nadadama ang bakasyon na ipinagmamalaki nila! Huhubels!
Enrollment na. Nandito ko ngayon sa main campus para makapagregister at bukas na ko magbabayad ng tuition sa campus namin, mas maigsi kasi ang pila doon eh.
"Strict ang parents!" Pang-aasar ni Pat.
"True! Pati ngipin pinabakuran!" Natatawang sagot ko naman.
"Ehhhh.. Ano yung bagong picture sa blog ni Kuya Henry?" Nang-iintrigang tanong niya at binagga-bangga pa ang balikat ko.
Ngumisi ako "that. Nagkita lang kami sa SM. ACCIDENTALY! at ayun sinamahan na niya kami ni Kia, the baby on that picture" paliwanag ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko "sa thursday pa enrollment niyo ah!" Paninita niya sa nasa likod ko kaya napalingon ako.
"Dad" nakangiting bati ko at fist bump kami.
"Kayo na ulit?" Tanong ni Pat.
Nagkatinginan kami ni Henry at sabay na umiling.
"Eh ba't nandito ka nga?" Pangungulit pa ni Pat.
"Lalabas kami" nakangiting sabi niya at itinuro ako.
"Kayo? As in kayong dalawa lang?" Nanlalaki matang tanong ni Pat at tumango naman ako.
"Woah!" Natatawang sabi ni Pat at tinawanan lang siya ni Henry.
"Hello mga besie!" Bati ng kararating na si Mel at bumeso sa amin ni Pat saka kinawayan si Henry.
"Si Nikki?" Tanong niya pa at iginala ang paningin.
"Papunta na yun, pila na tayo" anyaya ko pa at sumama naman samin si Henry.
Napag-usapan kasi naming sasama ako sa kanila ngayong birthday ng younger sister niya, kaya ito alalay ko muna siya sa enrollment. Mabuti nga at maaga kami para maaga ring matapos.
"Bakit ganyan sched mo?" Nagtatakang tanong ko kay Mel pero ngumiti lang siya at itinago ang sched/COR niya sa portfolio niya.
"Una na ko" paalam pa niya.
"Kami rin" nakangiting sabi ko.
"Wait! Hindi pa kayo magbabayad?" Nagtatakang sabi ni Pat.
"Bukas na ko, Im with him" sagot ko.
Ngumuso lang siya at nilingon si Nikki.
"Wala pa yung pang-tuition ko" nakangiting sabi ni Nikki at inilagay sa bag ang sched niya.
"Sad life! Bukas na nga rin ako!" Pagmamaktol ni Pat at nagtawanan lang kami.
"Una na kami, may bibilin pa kami eh" Henry said at inakbayan ako.
"See you when I see you guys" paalam ko at nakipag-beso sa kanila.
Dumeretso kami sa SM ni Henry para bumili ng cake at bibili rin ako ng pang-regalo.
"Hmm mahilig ba siya sa bag?" Tanong ko habang nag-iikot kami sa department store.
"Yeah, I thinks so" he said at tumawa.
"Di manlang kabisado ang kapatid" sabi ko at pinalo ng mahina ang braso niya.
"Ngayon ko lang napansin yang necklace mo ah" nakangising sabi niya.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015