#23- SUNDATE =^_^=

10 1 0
                                    

Sunday, hindi ako pala-simba pero ng dahil sa nangyari sa akin mukhang kailangan ko ng magpa-salamat kay Papa God dahil sa pag-gamit niya kay Rodney para mailigtas ako.

Inayos ko lang ang dress kong knee-level at ang flat shoes ko, saka na ako lumabas ng bahay.

"Kala ko matagal ka pa eh"

What the?!

"Paano mo nalaman?!" Takang tanong ko at tuluyan ng ini-lock ang gate namin.

"Instinct?" Nakangising sagot niya.

"Tss" siniringan ko siya ng tingin saka kami sabay na naglakad palabas ng eskinita.

Pumara siya ng tricycle at dumeretso kami sa simbahan.

After the mass..

"Sm tayo" nakangiting aya niya at inakbayan ako.

"Basta ba ililibre mo ko eh" nakangising sabi ko.

"Oo ba" ngumisi rin siya at inakay na ako palabas ng simbahan.

"Pano mo nga nalaman?" Pangungilit ko habang nasa bus kami.

"Hinulaan ko lang" nakangiwing sabi niya.

"Psshh.. Pano kung mali ka pala?!" Natatawang sabi ko.

"Edi pipilitin kong maging tama" tumawa rin siya.

Oh my gulay! My heart raced. Beat faster than normal.

"Ang init" wala sa sariling naibulong ko.

"Naka-aircon tayo, nget, pano naging mainit?" Natatawang bulong niya.

Napapikit nalang ako ng mariin saka lumingon sa labas ng bintana. Napakislot pa ako ng hawakan niya ang bewang ko.

"Bababa na tayo" bulong pa rin niya.

Ano bang ibinu-bulong-bulong ng lalaking 'to?!

Bumuntong hininga ako saka siya nilingon.

"Sm! Sm! Sm!" Sigaw nung kundoktor.

Kinuha niya ang kamay ko at nauna siyang tumayo saka niya ako pinatayo sa harap niya at inalalayan sa bewang.

Tsansing o nagpapaka-gentle man?!

Sabagay wala namang malisya sa akin but my heart is trying to control my mind para kiligin. Ang init ng pisngi ko..

Nang makarating kami sa loob ng mall ay inakbayan niya ako saka kami nagsimulang maglakad.

"Ang cute nila!"

"Ang gwapo nung guy"

"Babe tignan mo ang gwapo!"

"Maganda rin yung babae"

"Mga kabataan talaga mapupusok"

Napangiwi ako at nilingon si Rodney na mukha namang walang pakielam.

Dinala niya ako sa cinema at nagtingin ng pwedeng mapanuod.

Bumili siya ng dalawang ticket para sa last full show at after non naghanap na kami ng maka-kainan.

Halos nalibot namin ang mga fast food pero busy hours na, puno na ang karamihan at ultimo food court, sunday kasi eh.

"Gutom ka na ba?" Alanganing tanong niya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon