Minsan nakakatuwang isipin na may mga taong nakasuporta sa trip mo pero mas madalas ang kontra.
"Wear this, Allen!" Ma-awtoridad na sabi ni Henry at iniaabot sakin ang tshirt niya.
Lumabas ako ng villa suot ang isang blue haltered bikini top at itim na board short and he's demanding me to wear a shirt or any cover up.
Nginusuan ko lang siya at ipinusod ang may kahabaan ko ng buhok at isinuot ang aviators ko.
"Tara Niks" aya ko kay Nikki.
Nang-iintriga niya kong tinitigan.
"Ang tigas ng ulo!" Rinig kong sabi ni Henry pero hindi ko na siya pinansin.
Ano bang trip niya? We're on the beach for goodness sake!
Gabi na ng makarating kami dito kahapon. Nasa iisang villa kaming girls at nasa ibang villa ang boys. Nag-dinner at nagkwentuhan lang kami hanggang mag-kaayaang matulog na para maaga naming ma-enjoy ang dagat, tapos sasalubungin ako ni Henry ng tshirt?! No way!
"Allen!" Rinig ko pang tawag niya.
Kinawayan ko lang siya at hindi nilingon. Nilabas ko ang phone ko at inilagay sa monopod na dala ko.
"Yiee!" Kinikilig na sabi ni Nikki at tinabihan ako saka kami nag-picture-picture.
Lumabas na rin sila Ate Chris at Ate Julie na parehong naka-bikini top at bottom tapos may sarong lang sila panakip ng bottom nila.
Iiling-iling na lumapit samin si Henry, he's wearing a black sando na yumayakap sa maganda niyang katawan at naka-itim din siyang board short.
"Pasaway!" He said at pumalatak pa.
"Don't be over protective, Henry!" Natatawang sabi ni Ate Julie.
"He's really that conservative!" Komento naman ni Ate Chris
"Bro! Hayaan mo na yang si bunso!" Si Kuya Bj na umakbay pa kay Ate Julie pero agad ding niyang pinalis.
"Oo nga hayaan mo na ko. Picture nalang tayo" nakangiti sabi ko at itinapat ang cellphone ko sa amin.
We took a lot of pictures with all smiles and the sign of enjoyment.
Bumalik ako sa villa to keep my phone dahil mag-suswimming na kami.
Mag-isa akong naglalakad kung saan nakapwesto ang barkada ko ng may mahagip ang mata ko.
Seriously?! In broad day light?!
Nakakita lang naman ako ng PDA couple na naghahalikan beside a coconut tree at halos isampa na ni Ate ang legs niya kay Kuya! My gulay!
"Allen!" Kinawayan ako ni Nikki.
Ngumiti ako at patakbong nilapitan sila.
"Sis, tignan mo yun oh" nangusong sabi ni Nikki.
Napalingon ako sa itinuturo niyang lalaki na nasa dagat.
"Ayy may jowa!" Nanghihinayang na sabi niya ng may lumapit ditong babaeng naka-bikini.
Napataas ang kilay ko. Puro lovers ba 'tong lugar na 'to?!
"Kanina naghahalikan sa puno ng buko ngayon nagyayakapan sa dagat, what's next?!" Kunyaring maktol ko.
"Ayun" inginuso ni Nikki si Ate Chris at Gab na nagpipiggy back ride habang papalusong sa dagat.
Napairap nalang ako sa hangin at umupo kaming magkatabi ni Nikki sa isang sun lounger.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Fiksi RemajaLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015