Natapos ang exam week namin at kasalukuyan kaming nagchecheck ng mga papel namin.
"Allen?" Tawag sakin ni Sir Oni.
"Po?" Seryosong sagot ko.
"Bakit wala daw laman ang test paper mo sa english?" He said seriously.
"Hala!"
"Ayan mayabang kasi! Wala naman palang isasagot!"
Dinig kong sabi ng mga kaklase ko.
Tumayo ako at lumapit kay Sir bago humarap sa mga kaklase ko.
"Easy lang guys" natatawang sabi ko.
"Una, gusto ko munang tanungin si Rodney kung may isinulat ba siya sa papel niya, dahil kung natatandaan niyo sabay kaming nagpasa." Panimula ko na animoy napakaseryoso ng pupuntahan ng usapang ito.
"May isinulat ako."
Wow! First time na nagsalita si Rodney na dinig ng buong klase.
"Siya may naisagot! Ikaw wa-"
"Pangalan ko. Yun ang isinulat ko sa questionaire" putol niya sa intrimitidang si Ailene at napalawak ang ngiti ko.
"See? I don't really get it kung saan kayo kumuha ng isinagot niyo. Dahil pare-pareho naman nating alam na hindi nagtuturo si Ma'am Luz. Why pretend na may natutunan kayo kahit ang totoo ay wala?" mahabang paliwanag ko.
Walang nakasagot o nakakontra. Napangisi ako at umupo sa upuan ko.
Napailing si Sir Oni "I'll talk to the principal later. Okay so who's the highest in Math?" Pag-iiba ni Sir.
"Ninety"
"Ninety-two"
"Ninety-six!"
"Siraulo ka" bulong sakin ni Joy
Napailing ako "hindi ko pagmumukhaing tanga ang sarili ko mapagtakpan lang siya" sabi ko at napangiwi.
"Ninety-nine!"
"Wow!" Sabay-sabay na sabi namin.
"Sir sino yan?" Tanong ni Mav.
"Rodney Mercado" nakangiting sabi ni Sir.
"Math wizard!" Nakangiting sabi sakin ni Abby.
"Ok pass all the papers. Wala na tayong gagawin bahala na kayo sa buhay niyo just don't go out the school. Attendance bago mag-uwian" Sir Oni said at lumabas ng room.
"Shocks! Ano yung ginawa mo?" Maarteng sabi ni Antonio.
"I just stated the fact. Walang mali ron, walang dapat kwestyunin" nakangising sabi ko.
"Tsk. Ugaling Allen" naiiling na sabi ni Ruth.
"Speak now or regret later? I rather speak than regret" mataray na sabi ko sa kanya.
Inilingan lang nila ako at inayang magbreak pero hindi ako sumama.
"Inaantok ako" was my reason saka sila nag-alisan.
Yumuko ako sa desk ko at pumikit.
The next thing I know is my nagrarally sa labas ng classroom. Joke!Napa-angat ako ng tingin at deretso kuha ng salamin para tignan ang itsura ko. Maayos pa naman kaya nagpulbos nalang ako sa mukha at leeg.
"Oh. My. God!"
"Yiiiiiieeeeee!!!!"
"Oh my! Oh my Alleeennn!!"
Nagkakagulong sabi ng mga kaibigan ko at parang on cue na paghila nila sakin ay tumunog ang intro ng pinaka-paboritong kantang naririnig ko.
Your call.. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko yung kanta basta ang alam ko sa twing makikita ko si Mae at may dala siyang gitara pinapatugtog ko yun sa kanya.
Nagsisimula ng kumanta ang kung sino mang abnormal na naisip gumawa ng eksena.
Dinala ako nila Antonio, Joy at Abby sa harap ng nagkukumpulang mga estudyante.
There he is, playing a guitar while sitting on the stair.
Ultimo mga pababang estudyante ay napahinto para panuorin siya. He's really an eye catcher, parang sa mga oras na 'to bonus nalang ang pagiging gwapo niya dahil sa ganda ng boses niya.
Nagwawala ang puso ko, nag-iinit ang paligid, parang sasabog ang kaloob-looban ko at parang hinahalo ang sikmura ko habang pinapanood ang pag-ngisi niya habang kumakanta.
"Coz I was born to tell you I love you..
And I was torn to do what I have to.."
He sang whole heartedly. Alam kong kinikilig ang mga kaibigan ko pero nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Nag-iinit ang gilid ng mata ko at hindi ko maintindihan kung bakit na-iiyak ako.
Natapos ang kanta, nag-alisan ang mga ususero't ususera, inabot niya kay Eugene ang gitara na doon ko lang rin napansin. Pumasok na ang mga kaibigan ko sa classroom. Naglalakad na siya papalapit pero ako hindi ako makagalaw.
Naramdaman ko nalang na niyakap niya ko at isinandal ang mukha ko sa dibdib niya. And then the out burst of the unexplained happiness.
Narinig ko pa siyang mahinang tumawa.
"Siraulo ka!" Naiinis na sabi ko.
Tumawa lang siya.
Inihiwalay niya ang mukha ko at pinunasan ng panyo niya ang pisngi ko saka dinampian ng halik ang noo ko."Dito na kayo maglandian!" Rinig kong sabi ni Ruth.
Nakangiti niya pang pinunasan ang gilid ng mata ko bago ako inakbayan at pumasok kami sa room.
"Yiiieeehhh!! Naiyak sa kilig!" Pang-aasar ni Joy.
"Wag niyo ng asarin kinilig na nga ehh" natatawang sagot ni Carl.
Umupo kami ng magkatabi at isinandal ko ang ulo sa balikat ni Carl.
"Edi kayo na?" Pang-uusisa ni Antonio.
"Hindi. Harana palang yun" sagot naman ni Carl.
"Edi sayo galing yung flowers?" Tanong naman ni Mav.
Napaalis ako sa pagkakasandal ng makita ang nagtatakang mga hitsura ng kaibigan ko. Nilingon ko si Carl at nakatingin siya sakin deretso sa mata.
"Kasi last tuesday, may dinatnan kaming bulaklak dito" tinuro pa ni Joy ang desk ko.
Umiling si Carl saka tinignan ang mga kaibigan ko "kung sakin galing yun, ako mismo ang magbibigay" sagot niya saka hinawakan ang kamay ko at nilingon ako.
"May karibal pala ako" nakangiti pero malungkot ang matang sabi niya.
Im speechless. Pakshet!
"Ikaw lang ang pinayagan manligaw!" Pagchecheer ni Antonio.
Tinignan ko sa mata si Carl "hindi ko nga kilala kung sino nagbigay eh" napanguso ako.
Nagulat ako ng ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "eh ba't natatakot ka?" Saka niya tinignan ang mata ko ng sobrang lapit. "Nakikita ko sa mata mo 'by"
"Waaaaahhhhh!!!!" Tili ni Antonio sabay nagtatatalon
"Tang ina nakakakilig!" Malawak na ngiting sabi ni Joy.
Nagkatawanan nalang kami ni Carl at halos magwala sila ng halikan niya ang noo ko.
"Yiiiiieeeee landi!" Pang-aasar ni Ruth.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015