Nakaposas kami ni Carl hanggang 5pm kahapon at sa maghapon na yun ay sinulit naming mag-harutan, kulitan at kahit pa ang magbangayan lalo na pag magkaiba kami ng trip. Hindi nga lang namin na-enjoy ang mga booth, pero ayos lang kasi na-enjoy naman namin ang company ng isa't-isa.
Sa maghapong ding iyon nawalan na ko ng tyansang makita si Rodney. Ewan ko baka umuwi na siya.
Kaso ang pinagsisisihan ko ay hindi ko nakuha yung letter na ipinabasa niya sa message booth kahapon. Pwede mo kasing bayaran yun at makukuha mo yung sulat.
Yung tungkol sa bulaklak na ikinuda ni Joy, alam ko na ang tungkol don, dahil same penmanship ang nasa card at ang note sa sandwich.
"Saan tayo magsisimula?" Nakangiting tanong ni Mav habang iniisa-isa namin ang mga booth.
"Horror booth!" Tili ni Abby
"Oy nausog pala ngayon yung singing contest?" Biglang pag-iiba ko dahil ayoko sa horror booth!
"Oo mamaya after lunch" nakangiting sagot niya.
"Horror booth!" Sigaw ni Joy habang inaalog-alog si Antonio.
"Gusto lang mahipuan nito eh" maarteng sabi ni Antonio.
"Gago hindi! Tara na!" Pamimilit pa ni Joy.
"Uy! Rodney! Tara sama ka horror booth para yayakapin kita daliiiii!!" Malanding sabi ni Antonio at hinatak palapit samin si Rodney.
"Hi panget!" Sabay-sabay na sabi nila.
At napayuko sa hiya si Rodney.
"Hoy! Wag kayong ganyan!" Nakangiting sita ko.
"Ay taray exclusive ang tawagan?!" Nakangising sabi ni Mav.
"Oo wag ka ng mainggit!" Natatawang sabi ko.
"Grabe dati hindi ka nagsasalita eh" sabi ni Ruth na itinuro pa si Rodney.
"Hanggang ngayon naman" natatawang sagot naman ni Joy
"Si Allen lang kinakausap niyan eh" kunwaring nagtatampong sabi ni Mav.
"Eh siya si happiness eh!" Itinuro pa ako ni Joy at nagkatawanan sila.
"Pangs, sama ka? Horror booth daw?" Nakangiting aya ko sa kanya.
"Pag ikaw um-oo crush mo si Allen!" Pananakot ni Antonio.
Bumuntong hininga lang siya. Kinakabahan ako habang naghihintay ng isasagot niya at lahat din ng kaibigan ko ay naka-abang.
"Tara" ini-stretch pa niya ang braso niya at hinihintay na hawakan ko ang kamay niya.
"Waaaaaaahhhhhh!!!" Sabay-sabay na tili ng mga kaibigan ko.
Napangiti rin ako ng malawak bago tinanggap ang kamay niya.
"Uy shhh shhh!" Biglang saway ni Joy dahil natahimik ang quadrangle sa pagtili nila.
Nagkatawanan nalang kami sa nangyari.
Pumila na kami sa horror booth. Nakapamulsa si Rodney at naka-kapit naman ako sa braso niya.
"En, sino mas matangkad? Uhm" inginuso ni Antonio si Rodney "o yung uhm" tumuro siya sa ibang direksyon.
Napaisip ko "siya yata" hindi siguradong sagot ko at itinuro si Rodney.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015