#34- WHO TO DATE?!

4 1 0
                                    

Bawat kabataang tumutungtong ng high school ay may pinaka-inaabangang event, at para sa aming juniors, Febuary is not just the month of love but the month of the most awaited Junior and Senior's Prom.

Nagkalat ang puso sa paligid pagpasok palang ng first week of Febuary, nagkalat ang lovers at nagkakalat din ng lagim ang mga bitters. Sa bawat tamis may pait para balanse.

"Oh my God! Start na ng practice bukas!" Kinikilig na sabi ni Mav.

Ngumiti lang ako.

"Ba't nga pala tinanggihan mo yung pagsali sa cotillion?" Tanong naman ni Joy.

"Si Renz ang sa lalaki kaya ibinigay ko na kay Ruth yung chance" nakangising sabi ko.

Nginusuan lang ako ni Joy.

Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang kalandian ni Ruth at Renz, hinayaan nalang namin, bahala na si Mac na hatulan si Renz. Wala rin naman kami sa lugar para makielam dahil ginusto nilang pareho yun, isa pa wala naman akong pakielam.

"Date mo si Rodney?" Tanong ni Antonio.

"Kailangan pa bang imemorize yan?" Nakangising sabat ni Joy.

Date ko nga ba siya? Ewan ko hindi naman ako niyayaya ehh.

Lahat ay excited para sa darating na prom, may date man o wala. Pero kung ako ang tatanungin? Wala naman kasi sa kung sino ang date mo eh, nasa sayo yan kung paano mong i-eenjoy ang party.

"Joy may nag-hahanap sayo" sabi ni Ruth na kakarating lang galing sa meeting nilang mga kasali sa cotillion.

Lahat kami ng kaibigan ko ay napatingin sa labas ng pinto.

"OMG! as in Kenneth Aquino?!" Namamanghang sabi ni Antonio.

Napakunot noo ako by hearing the name. Ah the famous volley ball player.

Pumasok si Kenneth sa room at nag-abot ng roses kay Joy.

OMG!

"Yiiieeehhh!!" Kinikilig na tili naming magkakaklase.

"Pwede ba kitang maging date sa prom?" He asked ng tanggapin ni Joy ang bulaklak.

Nagulat kami ng humalakhak si Joy at inihampas sa dibdib ni Kenneth at bulaklak.

"Ayoko king ina mo! Ako pa pagtripan mo" Joy said in between laughters.

Napatawa nalang ako "abnormal talaga" natatawang bulong ko kay Abby.

"Tara baba! Gagong 'to ako pa talaga?!" Natatawang sabi pa rin ni Joy at nauna ng maglakad sa amin.

Tawa kami ng tawa sa canteen habang paulit-ulit na pinag-uusapan ang epic na pagtanggi ni Joy.

"Nakuha lang number ko sa barkada niya feeling close na ang puta!" Tatawa-tawang sabi ni Joy.

"Ang epic nun gago ka!" Natatawang kumento ko.

Hindi pa kami nakakaget-over sa Kenneth-Joy scene eh may lumapit na sa table naming may dalang gitara.

"Manlilimos ka Koya?" Pang-aasar ni Joy dun sa lumapit at nagkatawanan nanaman kami.

Timang talaga!

"Uh.. Abigail, kakantahan kita" sabi nung lalaki.

Malanding tumili si Antonio at naka-abang lang kami ni Joy sa mangyayari. Wala si Mav, nasa meeting ng student council, si Ruth lumandi yata kay Mac, kaya apat lang kami.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon