#6- HIS SMILE

12 0 0
                                    

Tuesday. Nagsusuklay ako ng buhok habang kinakalma ang puso ko dahil sa takot.

*beep*

Napalingon ako sa cellphone kong nasa study table. 1 message recieved

Binuksan ko ang message.

09262728290

Hintayin kita sa labas ng eskinita niyo
-rodney

Alam niya kung saan ako nakatira?! How?!

Sinuklay ko pa ulit ang buhok ko saka pinunasan. Kinuha ko ang bag ko, pinatay ang ilaw saka lumabas ng bahay. Sinasara ko palang ang pinto namin ng matanaw ko na siya sa labas ng eskinita, nakatayo nakayuko at nakapamulsa.

"Uh.."

Napalingon siya sakin.

"Good morning" nakangiting bati ko.

Tumango lang siya at nagsimula ng maglakad.

"Salamat pala ah" sabi ko.

Tumango lang siya. Hinalukay ko ang utak ko para maghanap ng tanong na hindi nasasagot ng oo at hindi.

"Ba't mo pala ko sinundo?" Sabi ko at inayos ang bitbit kong libro.

"Madilim pa kasi kapag umaalis ka. Delikado" he said without even looking at me.

"Nagsasalita ka naman pala talaga" nangingiting sabi ko.

Ngumiti rin siya.

"OMG! you smiled!" Nakatawang sabi ko.

Napailing lang siya at lumawak ang ngiti.

"Hindi ka naman pala bungi eh" natatawang sabi ko.

Umiling lang ulit siya at ngumiti "ang kulit mo" saka akmang guguluhin ang buhok ko kaya napaiwas ako.

"O-oy.. Guluhin mo na buhay ko wag lang ang buhok ko" sabi ko habang nakaturo pa sa kanya.

Sumeryoso ang mukha niya at ibinulsa ulit ang kamay niya. Hindi na kami nagkibuan hanggang makarating sa school.

"Taray oh! Sabay nga sila!" Pambubuyo ni Antonio.

Nilagpasan ulit ako ni Rodney, umupo, nag-earphone saka yumuko.

Nginitian ko siya "he offered-

"And who am I to refuse him?" Putol ni Joy sa akin "mga banat ni Allen eh!" Natatawang sabi niya at natawa nalang din ako.

Umupo na ako at agad nagsuklay.

"Allen, bili mo ko ng c2" si Ma'am Luz.

Nilahad ko ang kamay ko "pambili po?" Sabi ko sa kanya.

"Libre mo na" sabi niya at binuksan ang pamaypay niya.

Napangiwi ako "wala akong pera, kurakot ka nanaman eh" sabi ko at umayos ng upo.

Sinara niya ang pamaypay niya "gaga" she said at pinalo ako ng mahina sa braso.

Hindi na ko kumibo at nagrant nanaman siya tungkol sa anak niya. Pakiramdam ko tuloy hindi masaya buhay nito ni Ma'am eh. Hindi talaga siya nagtuturo.

Pag-kaalis niya ay tumayo ako para lapitan si Rodney.

"Uh.. Sorry kanina" sabi ko at umupo sa tabi niya.

Tumango siya at may kinuha sa bag niya. Bilog na kulay pink.

"Panali?" Takang tanong ko.

Tumango siya at nilapag sa desk ang panali.

"Pinabili ko kanina yan. Itali mo yang buhok mo kung ayaw mong nagugulo" sabay lagay ng earphones.

I count on my fingers mentally. Dumadami na ang words na sinasabi niya. My gawd!

Kinuha ko yung panali ng buhok and mouthed thank you saka bumaba at dumeretso sa cr para mag-ayos.

Pagbalik ko sa classroom ay nag-iingay na ang mga kaibigan ko.

"Wow! Allen in ponytail! Anong nakain mo Atii?" Pang-aasar ni Ruth.

Napalingon ako kay Rodney, gaya ng dati. Describe ko pa? Naka-earphone tapos nakatulala sa black board.

"Palabok" natatawang sagot ko kay Ruth at dumeretso sa upuan ko.

Nakita kong nag-angat ng tingin si Rodney kaya tinignan ko siya. Nakatitig siya sakin habang kunot ang noo, tapos dahan-dahang nawala at bigla siyang ngumiti.

Ngu-ngumiti siya? Ngumiti ulit siya! P-pero teka ano 'to?! Ang bilis ng tibok ng puso ko!

"J-joy!" Inalog-alog ko si Joy na nagsusulat sa tabi ko.

"Ay puta!" Mura niya ng masulatan ng unwanted line yung notebook niya.

Napatitig ako sa kanya. Yung puso ko! Yu-yung puso!

"J-Joy! Joy yung puso ko! Ang bilis Joy!" Nanlaki ang mata ko ng ngumiti lang siya.

"Joy ba-ba't ganito y-yung puso ko Joy!" Inalog alog ko pa siya. Inilingan niya lang ako.

Napahawak ako sa dibdib ko umaasang kakalma ang puso.

Ba't biglang uminit?! Ano ba 'to?!

"Ang init!" Reklamo ko pa at ipinaypay ang kamay ko sa tapat ng mukha ko.

Anong nangyayari?!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon