#47- LEARN TO LOVE SOMEONE ELSE..

11 1 0
                                    

Ang laking kalokohan lang talaga ng pakshet na changing of schedule na yun kahapon, in simple word its a bluff! Ginawa lang nila yun para mapapasok ako ng maaga at para magawa ni Henry ang oh-so-kilig-nakaka-inggit na proposal niya.

Pasado naman ang exam ko sa Philippine History.

One week na kami ni Henry at dahil weekend kasama ko si Nikki dito sa boarding house nila. Kung may matatawag man akong best friend sa circle ko ngayon si Nikki yun, siya ang pandora's box ko, taguan ng sikreto at subok na siya kaya tiwala ako sa kanya.

"Hay nako! Bakit mo sinagot kung si R pa rin ang gusto mo?! Kawawa naman si H" namamanghang sabi niya habang naka-upo sa taas ng double deck na kama.

Napabuntong hininga ako at itinuloy ang pag-gawa ng report sa laptop ko.

"Gusto ko na kasing makalimutan si R"

"At si H ang gagamitin mong pang-move on?! Unfair!" She said at dinungaw ako sa babang kama na inuupuan ko.

Wala ang mga boardmates niya dahil nag-uwian.

"I know.. Pero kasi Niks mahal ko pa rin si Rodney.." Sagot ko habang nakatingala sa kanya.

"Ang tanong mahal ka pa kaya niya? Nagawa na nga niyang mag-girlfriend di ba? Meaning moved on na siya, ikaw nalang ang umaasa!" Sabi niya at tuluyang bumaba.

Pinindot ko ang ctrl+s saka ko pinatay ang laptop ko at hinarap siya.

"Nangako siya!"

"Oo nangako siya! Ang tanong may balak ba siyang tuparin?!"

Napaisip ako at napanguso.

"Alam niya kung saan ako hahanapin.."

"Alam niya nga ang tanong nga gusto ka pa ba niyang makita?"

"Pareho kayo ni Patchot!" Reklamo ko.

"Kasi yun ang totoo! Saksak mo diyan sa utak mo na ito ang reality! Na dalawang taon ka nang naghihintay na puntahan ka niya pero ito may bago ka ng boyfriend eh wala pa rin siya! Seventeen ka na! Wake up! Hindi totoo ang fairy tale!" Litanya niya saka ako siniringan ng tingin.

"True love lasts.."

"No it lasts sa part mo. Hindi sa part niya!"

"Baka humahanap ng tyempo" pangungumbinsi ko.

"There's no such thing as right timing, coz when its right every timing is perfect"

Nginusuan ko siya saka inirapan.

"Kung gusto ka niyang makita, makasama at makatuluyan, noon pa sana, sinundan ka na niya" dagdag pa niya.

Tinitigan ko siya. "Bili kang chichiria" utos ko. Ngumuso siya at sinunod naman ako.

Paglabas niya ay binuksan ko ang laptop ko at naki-connect sa wi-fi nila saka nag-log in sa facebook.

7friend request 1message 67notifications

Napakunot noo ako at binuksan ang message ko.

RM Lover: Kamusta?

Agad naghabulan ang mga daga sa dibdib ko. Pakshet! Kamusta pa lang yan ahh!

Nanginginig ang kamay kong nagtipa.

Me: ayos lang. Ikaw?

Sinubukan kong mag-intay ng reply kaso off line pala siya at last tuesday pa ang message na yun.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon