#17- FOUNDATION DAY 2; BUSTED!

9 1 0
                                    

Masaya kaming pumasok kinabukasan dahil bukod sa bukas na ang mga booth ngayon ay kasama kami sa finalist na magpeperform sa friday para sa championship. Kalaban namin ang section 2 sila Ian at dalawa pang section.

After kong makuha kay Carl ang cellphone at wallet ko kahapon ay hindi na rin kami masyadong nagkasama.

"Naka-pink!" Pasigaw na itinuro ako ni Aldrin.

Oh no!

"Waaaahhhh!" Tili ko at tinakbuhan siya.

"Hoy Allen! Bumalik ka dito!" Sigaw niya at hinabol ako. Nag-ikutan kami sa quadrangle hanggang makahanap ako ng lusutan para makaakyat sa room namin at pabagsak na isinara ang pinto.

"Oh anyare sayo?" Takang tanong ni Joy.

"Ano booth nila Aldrin?" Hinihingal na sabi ko.

Ngumisi siya "jail booth"

Napahinga ako ng malalim "pakshet muntik na ko ah"

Napaupo ako sa sahig habang hinahabol ang hininga ko.

Ang jail booth kasi ay may check list. Every ten minutes sila nagpapalit ng category. Halimbawa naka-rubber shoes na white at gaya kanina naka-pink yata ang hinahanap nila.

"Anong nangyari sayo?" Nakangising tumalungko si Rodney sa harap ko.

Inayos ko ang pagkaka-indian seat ko "muntik ng makulong! Pakshet na yan!" Natatawang sabi ko.

"Oh" inabutan niya ko ng tubig "ang bilis mo nga tumakbo eh" sabi niya at iniwan ako.

"Puta si Mav nagpapatubos!" Natatawang sabi ni Joy habang nakatingin sa cellphone.

"Hayaan mo" nagkatawanan pa kami.

Inayos ko lang ang na-haggard kong itsura at inayos ang chain ng dala kong purse.

"Ganda pa naman ng porma ko!" Nakangiwing sabi ko at pinagpag ang pantalon ko.

"Tara labas" aya sakin ni Rodney at hinila ko naman si Joy kaya kaming tatlo ang magkakasama.

Umere ang tugtog na ako'y sayo at ika'y akin lamang sa may message booth. Yung magbibigay ka ng message, depende sa haba ang bayad at depende na sayo kung lalagyan mo ng pangalan.

Alerto tuloy ang paningin ko sa mga tiga-section one dahil kanila ang jail booth.

"Dear Allen Claire Yuzon..

Ako yun ah!

"Girl may letter ka!" Patiling sabi ni Joy.

Hinila ko sila palapit para mas madinig ko.

"Dear Allen Claire Yu-

"Paulit-ulit?!" Kumento nung isang baklang kasama nung babaeng nagbabasa.

"Dalawang beses nakasulat eh!" Natatawang sagot naman nung babae.

"Oh bilisan mo na" sabi nung bakla.

"Dear Allen Claire Yuzon,
Thank you for always being happy, alam mo namang yan ang nakakapagpasaya sa akin. Keep smilin' at yan ang nagiging dahilan ko para ngumiti rin-

"Yiiie kilig!" Kumento ulit ng bakla.

Hindi ko alam kung ako o si Rodney ba ang naging uneasy sa oras na ito.
Nagwawala ang puso ko. It was the same message na nasa rose, longer version lang ito.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon