Kahit nagpumilit akong tumanggi sa alok ni Henry na iuwi na ako matapos kumalma ay hindi niya rin ako pinagbigyan. Grabe ang ang hiyang nararamdaman ko para sa kanya. Simula ng maging mag-ex kami ay naging sandalan ko na siya everytime na nag-buburst out ako about Rodney.
Alexa, the girl who read the freaking letter, didn't tell anything about who gave it to her, I even looked for her at her department but I got nothing from her. Nautusan lang daw siyang mag-basa and before she get near the table, all the letters she read that night was already there. She even asked to try asking Hershey who managed the message reading part of that party. But instead of wasting my fucking time, I didn't bother finding that certain Hershey, I have more important things to do.
It's a week after that valentine's epic night. Balik school works at practice na ulit kami sa DT. Sa katapusan na ang inter-college folk dance competition.
Inaayos ko sa locker ang mga libro kong iiwan bago dumeretso sa gym para sa practice.
"Magpahinga ka naman" bati niya at sumandal sa lockers.
Nilingon ko siya at tipid na nginitian.
"Your eyes are getting bigger" sabi pa niya.
Inilabas ko ang tshirt, leggings at tsinelas ko saka nilagay sa gym bag ko. Saka isinara ang locker at ibinulsa ang susi ko.
"Hindi ko alam kung bakit mas gusto mong kumuha ng klase dito sa campus namin kesa enjoyin ang airconditioned classrooms sa main" kunot noong sabi ko.
"Kaya nga may building ang CBA dito eh so we can have our classes here" nakangising sagot niya.
Ngumisi rin ako at nagsimulang maglakad. Tinatamad ako buong araw kaya wala akong ganang i-entertain ang mga kaibigan kong lumalapit sakin.
"Teka! Ang hilig mo talagang mang-iwan!" Sita niya sakin at sinabayan ako sa paglalakad.
Kumunot ang noo ko. Double meaning ang lintek!
"Di naman ako nang-iiwan ng walang dahilan" sagot ko.
Narinig ko ang mahinang tawa niya.
Napailing nalang ako at sumakay sa shuttle. Sumakay rin siya at tinabihan ako.
"Dapat kasi sinasabi mo muna yung dahilan mo bago ka umaalis"
Nginusuan ko siya "nagsasabi ako basta magtatanong kayo!"
"Paano kung hindi na nagtanong hindi mo na rin sasabihin?"
Napalingon ako sa labas ng bintana.
"Nagsasabi nga ako! Nasa sayo na yun kung paano mo iintindihin ang dahilan ko."
"Eh paano kung hindi sapat ang dahilan mo?"
Nilingon ko siya.
"Sapat o hindi kung kailangan kong umalis wala ka na ring magagawa."
Ngumuso siya "so ang ibig mong sabihin basta may rason ka dapat hayaan ka nalang ganon?"
Tinaasan ko siya ng kilay "depende sayo, kung hahayaan mo ko o susundan mo ko" kibit balikat ko pa.
"Bakit kita susundan kung pwede naman kitang pigilan?"
Napahalukipkip ako "once I decided to go you have no choice but to let me."
Tinaasan niya ko ng kilay "It's never easy to just let someone go"
Napakunot ang noo ko.
"Teka nga!" Natawa ako "nauna lang akong naglakad ito na inabot ng usapan natin?! The hell with you, Robin?" Natatawang sabi ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Fiksi RemajaLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015