Kinabukasan nagising ako dahil sa nakakarinding tunog ng paulit-ulit na pag-pindot sa doorbell.
"Argghhh!" Nahilo pa ako sa biglaang pag-bangon.
"Sandali!" Sigaw ko mula sa bintana ng kwarto ko at saka kinuha ang cellphone ko para tignan ang oras.
Alas-dos na?!
Mabilis akong nag-hilamos at nagtoothbrush at dali-daling lumabas.
"Good afternoon!" Masayang sigaw ni Mav.
Binuksan ko ng malawak ang pinto para makapasok sila.
"Nagdala kami ng sangkap ng ginataang mais, dito kami magluluto" sabi ni Abby at ipinakita ang mga dala nilang plastic bag.
Napangiti ako at napasuklay sa magulo kong buhok. Dumeretso kaming lahat sa kusina.
"Kayo na bahala dyan ah, feel at home, maliligo lang ako" paalam ko pa at kinuha ang twalya kong nakasampay sa likod bahay.
"En, dadating din daw sila Renz at Carl, makikipag-usap daw sayo" sabi ni Joy at agad akong napahinto sa bungad ng banyo.
"K-kung ayaw mo pwede na-
"Hindi. Sige hayaan niyo sila" seryosong sabi ko at saka pumasok sa banyo.
"Darating din si Rodney, susunod nalang daw kasi kakagising niya lang rin" dinig kong sabi ni Ruth.
"Sige!" Pasigaw na sagot ko.
"Sila Raf at Benjie din pupunta" si Ruth pa rin.
Napangiti ako lab na lab talaga ko ng mga furends ko..
"Sige lang" sigaw ko pa ulit at sinimulan nang maligo.
Matapos kong maligo ay dumeretso ako sa kwarto ko sa taas at mabilis na nagbihis ng short at tshirt.
Nakabalot pa ng twalya ang buhok ko ng bumaba ako.
"Ang bango ah" nakangiting sabi ko pagpunta sa kusina.
"Ano bang trip niyo?" Tanong ko pa.
"Pampainit ng sikmura!" Tumawa pa si Joy na siyang nagluluto.
"Nasobrahan yata sa alak" sabat naman ni Abby.
Maya-maya lang ay may kumatok na sa gate. Tumayo si Mav at nagprisintang magbukas ng pinto. Inalis ko na ang pagkakabalot sa buhok ko at isinampay sa likod ang twalya ko at nagsuklay.
"En, pagtapos ng pag-uusap niyo ni Carl, sana.. Sana layuan mo na siya.." Naiilang na sabi ni Ruth.
Tipid akong ngumiti "kahit hindi mo sabihin Ruth, lalayuan ko na siya. Gusto ko lang na atleast mag-sorry siya or what ever basta magkaroon na ng closure yung nangyari" sabi ko at tinabihan siya sa pagkakaupo sa harap ng hapag.
"Beh, sila Raf" nakangiting sabi ni Mav at kasunod niya sila Raf at Benjie.
"Oh" inilapag ni Raf ang bitbit na plastic.
"Ano yan?" Takang tanong ni Joy.
"Itlog gago!" Natatawang sabi ni Raf.
"Ay bobo ang puta! Sabi ko ginataan iluluto hindi lugaw tanga!" Joy said in between laughters at natawa nalang kamim
"Tang ina 'to sabi mo kagabi lugaw!" Singhal ni Raf.
Tumawa lalo si Joy "gago! Tinext kita na ginataan nalang!"
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Fiksi RemajaLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015
