Nagsimula ako sa high school na mukhang manang no offense dahil yun talaga ang tingin ko noon. Laging naka-ponytail kahit basa pa ang buhok at may malapad na headband. I'm a badgirl and a wall flower at the same time, badgirl dahil kahit anong hitsura ko maldita ako. Wall flower dahil sa hitsura ko walang pumapansin sa akin. Mataba, maluwag ang uniform, braces at eyeglass na lang papatok na kong betty la fea. Second year ng makilala ko si Ate Lindzey, siya ang nagsilbing fairy god mother ko. Pinakilala niya sakin ang gym at salitang diet. Nang may nakakapansing pumapayat ako mas naging pursigido ako. Natanggal na rin ang malapad na headband ko, hindi na rin ako nagpoponytail pag basa pa ang buhok ko. Pinakilala rin sakin ni Ate ang sling bag, pulbos, lipgloss at suklay.
Ang ipinagmamalaki kong kagandahan ngayon at kasexyhan ay utang na loob ko kay Ate Lindzey, pero ang atensyon na nakukuha ko ay kasalanan ng magaling na si Carl.
Kaliwa't kanan ngayon ang hi Allen, kamusta?, at para sa mga tsimosa sinagot mo na ba si Carl? Hindi ako famewhore! Masaya na akong may lima akong kaibigan at walang nakaka-kilala sakin unless naging kaklase ko. Pero ito? Nah! Im not a good actress kaya lahat ng bumati, either hindi ko papansinin o iirapan ko. Sabi naman sa inyo hindi ako yung tipo ng nakikipagkaibigan sa kung sino-sino na parang kakandidato sa student council. Pag ayaw ko ayaw ko.
"Allen teka lang!"
Anak ng! Kakasabi ko lang eh!
"Bitiwan mo nga ko" sabi ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Gusto ko lang naman makipagkaibigan" sabi niya pa.
Tinaasan ko siya ng kilay "marami na kong kaibigan, hindi kita kailangan"
"Ba't ba ang init ng dugo mo sakin?!" Naiinis pa na sabi niya.
Bakit nga ba?
"Naiirita ko sa pag-mumukha mo kaya kung pwede umalis ka na?!" But since tanga siya, hindi siya gumalaw kaya ako nalang ang umalis, papunta rin naman ako sa canteen eh.
"Nakipag-away yan" panimula ni Joy na kasunod ko palang pumasok ng canteen.
Ngumisi lang ako at umupo sabay nakikain sa mga chichiria nila.
"Gusto ko yung naiirita ko sa pagmumukha mo eh!" Pang-gagaya pa ni Joy.
"Sino nanaman ang in-award-an niyan?" Maarte pa akong itinuro ni Antonio.
"Si Mylene yung tiga section 9" sabi ko at naki-inom kay Mav.
"Eh di ba may-
Tumigil ang buong mundo, lahat sila ay nakatingalang nakatingin sa likod ko ng may naglapag ng sandwich at c2 sa harap ko.
"O.M.G!" Maarte pang tinakpan ni Antonio ang bibig niya habang nakatingin sa likod ko.
Napalingon din ako pero likod nalang ng papalabas na si Rodney ang nakita ko.
"May note!" Sabi ni Ruth at maagap ko namang tinapik ang kamay niya saka kinuha ang nakataob na note sa sandwich at ibinulsa.
Ngumiti ako habang binubuksan an sabdwich, samantalang lahat sila ay nasa state of shock pa.
"Kain" alok ko at nagsimula ng kumain.
"My God! Una ikaw lang ang kinkausap nun!" Sabi ni Antonio at kinalabit si Joy.
Ayan na sila..
"Pangalawa, ikaw ang unang naka-alam ng pangalan niya" tapos kinalabit ni Joy si Mav.
"Pangatlo, ikaw palang ang sinasabayan niyang magbreak." Kinalabit naman ni Mav si Abby.
Pa-face palm nga! Kabaliwan ng mga 'to!
"Pang-apat sinusundo ka niya!" Bago pa makalabit ni Abby si Ruth hinawakan ko ang kamay niya.
"Twice lang yun!" Nakangiting sabi ko.
"Okay na yun. Ikaw na" kinalabit niya si Ruth.
"Last but not the least, yang sandwich at c2 na yan! May note pa!" Nakangising sabi ni Ruth.
"Kung may food for the God my food from the God! My gulay! D'yos ng kagwapuhan ang Rodney na yun! Ulam na ulam!" Malanding sabi ni Antonio at nagkatawanan nalang kami.
Tumayo ako at kinuha ang c2 ko.
"Sa'n punta?" Sabay-sabay na tanong nila.
"Sa langit, mag-te-thank you kay God!" Nginitian at kinindatan ko pa sila.
"Gaga!" Pahabol na sigaw pa ni Antonio.
Kinawayan ko nalang sila.
Pagdating sa last step ng hagdan kinuha ko ang note sa bulsa ko.
Don't just eat junk food, lalo na pag hindi sa'yo.
Natawa ako. Magpapaka-sweet nalang may kasama pang insulto.
Dumeretso ako sa classroom at nakita kong natutulog si Rodney.
Napa-iling nalang ako at nagsoundtrip sa ipod shuffle ko.
BINABASA MO ANG
CHASING ALLEN
Teen FictionLove will always find a way. Teen-age love; fictionated; reality based; R-13 READ AT YOUR OWN RISK. THANK YOU and GOD BLESS ©Yssidra Chasing Allen 2015