#33- EXTREME EMOTION :)

6 1 0
                                    

Napa-face palm pa ako habang naka-upo sa trono ng may nakitang dugo sa under wear ko. Ikaw pala ang dahilan ng extreme emotion ko.

Para akong nakakita ng dalawang pulang guhit sa pregnancy test kit sa biglaang kaba na naramdaman ko!

Dumating na siya at hindi maganda ang pakiramdam ko. Naligo ako at nagbihis saka nagmadaling pumunta sa tindahan para makabili ng napkins, pagkabalik ay nagbihis lang ulit ako ng underwear at saka tumambay sa kwarto ko.

Nakatitig lang ako sa phone ko ng mag-beep ito.

Rodney
Nget sorry na. Don't be mad please

Hinabol pa niya ako kanina pero hindi ko na talaga siya pinansin hanggang sumuko siya at humiwalay ng daan para maka-uwi na.

To Rodney
Im not mad.

Inilapag ko sa kama ang cellphone ko saka nag-fetus position.

Kaya pala ang bigat ng feeling..

Ilang minuto pa akong nakatulala hanggang makarinig ako ng pumaradang motor sa labas.

Beep

Rodney
Open the door

Demanding ah! Wala tuloy akong choice kundi bumaba at pagbuksan siya ng pinto. Pagka-ayos niya ng motor sa garahe ay umakyat rin ako ulit.

"Hey san ka?" Pahabol niya ng papasok na ko sa kwarto.

Itinuro ko sa kanya ang kwarto ko "masama pakiramdam ko" sabi ko at nagtuloy na sa loob.

Napaka gentleman lang talaga dahil maya-maya narinig ko ng bukas yung TV. Di manlang ako kinamusta! Lintek na yan!

Beep

Rodney

Magtitext pa nasa baba lang naman!

Can I go up there?

Napaka-englishero nito!

To Rodney
Sige

Sabay nagkumot at niyakap ang isang unan ko. Maya-maya ay nawala na ang sound ng TV, ilang saglit pa at tumunog na ang door knob ng kwarto ko.

"Sara mo" sabi ko pagkapasok niya.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at hinipo ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat" nakangusong sabi niya.

"Meron ako" bulong ko.

Ngumiti lang siya at biglang humiga sa tabi ko kaya napaayos tuloy ako ng pwesto.

Ang bango!

Ginamit niyang unan ang isang braso niya at tumagilid paharap sa akin.

"Ang bango mo Pangs" nakangiting sabi ko.

Ngumiti lang siya at lumapit sakin.

Landi rin nito eh!

"Sino pala yung kanina?" Biglang tanong ko at inilagay sa dibdib ko ang unan na nasa gitna namin.

Ngumisi siya "si Hera"

Tumaas ang kilay ko at nagfetus position ulit dahil sumasakit ang puson ko.

"Oh tapos?"

Tumihaya siya at tumitig sa kisame.

"Siya nalang daw. Hayaan na daw kita kasi mas ma-a-alagaan niya daw ako kesa sayo. Saka mahal daw niya ako" paliwanag niya at humarap ulit sakin.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon