#52- EMPTY HEART

6 1 0
                                    

Minsan sa sobrang ka-abnormalan hindi mo na napapansin kung tama pa ba o mali ang ginagawa mo, dahil basta masaya ka lahat ng mali nagmumukhang tama.

Final exam week or also known as HELL WEEK. Patayan na, ibuhos mo na ang lahat ng stocked knowledge na meron ka, kung meron ka ngang naitabi.

One of the highest ang module ko sa Philippine History which is 1.75, ang kuripot nga ng prof namin eh, highest grade na niya ang 1.75, well thank you na din instead of recieving a red line on the front page, meaning, zero. As in walang grade! Kaya kahit ang mga naka tres eh nagdiwang na rin kahit papaano. Kaso lang I got a solid 2.2 on the oral recitation at kailangan kong bumawi ngayong finals.

"Okay last five minutes!" Anunsiyo ng babaeng prof namin.

Arrgghh! I hate time pressure!

Last five question nalang ang sasagutan ko sa subject kong campus journalism. Identifications pa naman.

Kagat ang ibabang labi ko hinalukay ko ang utak sa mga pwedeng pag-piliang sagot para sa tanong. Out of conciousness napahawak ako sa pendant ng kwintas ko at automatic na kinabahan lalo na ng may mga lalaking estudyanteng dumaan sa labas ng room at dinala ng hangin ang pabango ng isa sa kanila.

That was his perfume..

Napapikit ako at nilanghap ang amoy hanggang mawala. Nagdilat ako at sinagutan ang mga huling tanong saka bumuntong hininga bago nilagay sa bulsa ng back pack ko ang ballpen ko.

"Ngayon ko lang napansin yang kwintas mo. Bago?" Tanong ni Red habang nasa canteen kami for lunch break.

Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko at nakaramdam nanaman ako ng kakaibang kaba.

"Hindi matagal na 'to" nakangiting sagot ko.

"You're blushing!" Namamanghang sabi sakin ni Pat.

Napalawak ang ngiti ko at itinuloy ang pagkain.

"I guess it's a gift from someone very special" taas kilay na sabi pa niya.

Ngumiti lang ako at uminom sa softdrinks ko.

"Kelan pa yan ba't ngayon ko lang nakita?" Pang-iintriga pa ni Red.

Ngumiti ako "third year high school" sagot ko at napa-wow sila.

"Three years na sayo yan! Wow!" Namamanghang komento ni Mel.

Ngumiti lang ako at tumahimik naman na din sila.

"Uy have you read the empty closet?" Tanong ni Pat at napataas ang kilay ko.

"Empty closet?" Takang tanong ko.

"Yeah it was a status on facebook tagged on your timeline" paliwanag niya at lalong nangunot ang noo ko.

"Josko! Kelan ka pa huling nag-bukas ng facebook?!" Naiiritang tanong ni Nikki.

"July pa yata" nakangiwing sagot ko.

"My gulay! August pa yung empty closet!" Sabi naman ni Pat.

"I just remembered it kasi napansin ko sa comment box wala kang comment" paliwanag pa niya.

"Who posted it?" Tanong ko at nilabas ang laptop ko.

"Uh... What's her name na ba Mel?" Tanong ni Pat.

"I think its Yan---Yani---

"Yang. Yang San Diego" kinakabahang sabi ko.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon