#67- IT WAS HIM!

7 0 0
                                    

Keep yourself busy to make yourself distracted and to avoid over thinking.

I shaked my hands habang nakatingin sa malaking crowd na manonood sa amin, the inter-college folk dance competition is held at the activity center of SM. Nagsasayaw ngayon ang DT ng isang kapitbahay naming college.

"Let's all welcome the Tarlac State University dance troupe!" Sigaw ng emcee at nagpalakpakan ang mga tao.

Magkatabi kami ni Jace na naglakad palabas.

"Shit kinakabahan ako" bulong ni Cecil.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pumwesto na kami at nagsimula na ang tugtog. Ang kabog ng dibdib ko ay unti-unting nawala ng magsimula akong humakbang sa mga kawayan.

Nakangiti akong humarap sa audience ng magpalit kami ng pwesto ni Nadine. Ilang steps pa hindi kami humahakbang sa kawayan at nakaharap lang kami sa tao na sumasayaw.

Kumalabog ang puso ko ng may madaanan ang mata ko. Hindi ako sigurado sa nakita ko pero kinakabahan ako.

Umikot kami at ako naman ang napunta sa pwesto ni Cecil. Ilang ulit pa ng routine at nagpalit ang tugtog namin. Paikot kaming lumabas ng stage at paikot rin pumasok ang mga kasamahan kong may dalang baso na may kandila.

Napatingin ako sa lugar kung saan ko nakita ang isang matangkad na lalaki, naka-shades at magulo ang medyo mahaba niyang buhok. I don't know if who is he pero labis-labis na kaba talaga ang naramdaman ko ng makita ko siya.

Ipinilig ko ang ulo ko. I should stop over thinking. Binangga ako sa balikat ni Cecil kaya binangga ko rin siya hanggang sa nagsusway na kaming tatlo nila Nadine.

"Papasok na ulit tayo" bulong ni Ate Faye.

Bumaba ng stage ang mga nagpandanggo sa ilaw at umakyat kami ng stage. Sa saliw ng iisang tugtugin ay masaya naming tinapos ang performance namin. Nagpalakpakan ang mga tao, even some of the judge gave us a standing ovation.

"Success!!" Masaya naming tili at nag-group hug.

"Picture!" Rinig naming sabi ng boses mula sa likod namin.

Iniharap samin ni Red ang dslr camera niya at kinuhanan kami ng ilang beses.

"Ayusin mo yung isususlat mo ahh!" Sabi sa kanya ni Ate Faye at natatawang tumango si Red.

Red is a writer at the work our school news paper.

"Oh dito naman" nakangiting itinapat ni Henry ang iPad niya sa amin.

Ngumiti at nag-wacky pose kami.

"Oh kuhanan ko kayo" pagpiprisinta ni Grace at itinulak pa ko kay Henry.

Pabiro kong ipinunas ang pawis ko sa sleeve ng tshirt niya at natatawa siyang naglabas ng panyo.

Nagulat pa ako ng may magflash habang nakangiti kami sa isa't-isa at pinupunasan niya ang pawis sa pisngi ko.

"Ano kayang pwede kong isulat dito?" Nakangisi pang sabi ni Red.

"Huy! Chismis yan!" Natatawang sabi ko.

"I guess you should just send me that picture at ipapa-frame ko sa kwarto ko" sabat naman ni Henry at napuno ng pangagantyaw ang pwesto namin.

"Piste!" Natatawang saway ko sa kanila.

"Dali-dali!" Sabi ni Grace at itinapat ang iPad sa amin.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon