#63- PALAISIPAN..

7 0 0
                                    

Hinahabol ko ang hininga ko matapos kong tumakbo ng tatlong ikot sa buong subdivision umaga ng miyerkules. Wala akong pasok and I was so bothered and occupied about the idea na alam na ng boys ang tungkol sa blog ko. Dammit!

Iniisip ko tuloy na burahin nalang ang blog ko at gumawa nalang ng private diary. I want that story to be kept in private, but it's too late now. Saka isa pa I made that blog to share my stories, that's my main purpose, but i didn't expect na lalaki ang population ng readers no'n. Sabagay ayos lang naman but what make it worse is the fact na may mga kakilala akong nagbabasa no'n.

"Ay ang gulo!" Inis na bulong ko at umupo sa swing saka uminom sa bottled water na dala ko.

"Ano ang magulo?"

"Pakshet!" Gulat na sabi ko at napahawak sa dibdib ko saka nilingon ang umupo sa kabilang swing.

"Good morning" nakangiti pang sabi niya.

"Good morning din" sabi ko at pinanood ang mga taong nag-zuzumba sa hindi kalayuan.

"Ngayon ka nalang nag-jogging ah" rinig kong sabi niya.

"Ngayon lang naharap eh" sagot ko at pinunasan ang pawis sa noo.

"Mag-isa ka na ulit?" Tanong pa niya.

Uminom ako saka siya nilingon.

"Uhm" tumango ako "bumalik na si Mommy sa Texas, si Ate nasa Manila na ulit" paliwanag ko.

Tumango-tango siya.

"Nagpeprepare ang DT ngayon ah" kunot noong sabi niya.

Tumango ako at pinunasan ang pawis sa leeg at batok ko.

"Inter-college folk dance competition" sagot ko pa.

Tumango-tango siya "hindi ka kasali?"

Napangisi ako "kasali ako, bukas pa start ng practice namin. Patayan nanaman yun"

Ngumiti lang si Vince at tumango.

Tumayo ako at nag-stretch. "Uwi na tayo, gutom na ko ehh" nangingiting sabi ko.

Tumango naman siya saka tumayo at namulsa.

"May nabalitaan ako" biglang sabi niya habang naglalakad kami.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng nagtatanong.

"Pinopormahan ka daw ni Robin yung tiga-CBA?" Tanong niya.

*College of Business Administration*

Natawa ako ng mahina "hindi. Nakiki-pag-kaibigan lang yun. Saka sa'n mo naman nalaman yan?" Takang tanong ko.

Naramdaman kong natigilan siya at nag-iwas ng tingin.

"Aysus! Ayown ehh!" Pang-aasar ko.

"Oy---

"Aysus! Magkalayo ang campus natin oy! Paano kang nagkaroon ng balita sakin? Aysuuusss!! Unless..." Pabitin na sabi ko at nginisian siya ng mapang-asar.

Natawa ako ng makitang namula ang mukha niya.

"Yay! Gay!" Sabi ko pa at tinuro siya saka humalakhak.

Hindi pa rin siya kumikibo at dumalas ang pag-iiba niya ng tingin.

"Naku! Si Ate Julie ang source.." sabi ko pa at sunod-sunod na pumalatak habang iniilingan siya.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon