#30- PAKSHET NA PAG-IBIG!

6 1 0
                                    

Syempre masaya naming sinelebreyt nila Kuya ang pasko sa isang park, para ipasyal na rin si Kia. Dec 24 ng umaga ako nakarecieve ng sandamakmak na text at calls.

Syempre papahuli ba ang message ni Rodney na naka-save sa draft ko at paulit-ulit kong binabasa..

Rodney
Merry Christmas sa nag-iisang babaeng mahal ko, except kay Mama hehe. Keep safe, God bless. Magsimba ka bukas, kita tayo sa 28. I love you.

At araw araw ko siyang binabasa.

"Oh wag magpapaputok sa loob!" Paalala pa sakin ni Ate at natawa nalang ako.

Isinuot ko na ang kwintas ko bago sinuot ang back pack ko.

"Miss ko na yung bahay" nakangising sabi ko.

"Yung bahay ba oh si.." Pabitin na sabi niya.

Tumawa ako "both?" Saka malawak na ngumiti.

Nagpaalam na ako kay Ate at kinulit kulit ko pa si Kia na hindi ko maiwan.

"Sige na, baka abutan ka ng dilim" nakangiting sabi ni Ate.

Nagbeso lang kami at pinapak ko ng halik ang matabang pisngi ni Kia bago pumara ng bus.

Nagtext nalang ako kay Rodney na pauwi na ako. Ewan ko ba sabi ng instinct ko itext ko daw eh.

Rodney
Take care pretty :*

Napangiti naman ako at itinago na ang cellphone ko saka nagsabing bababa na ako.

Pagkarating sa mini stop at papara na sana ng tricycle ay may motor na huminto sa harap ko.

Napangiti pa ako lalo na ng kunin niya ang bag ko at inalalayan pa akong makasakay sa likod niya.

Ang sarap talagang magmahal ni Lord.

Pigil ang ngiting kumapit ako sa tshirt niya sa tagiliran. Huminto pa kami sa bakery at bumili siya ng tinapay at juice saka kami dumeretso sa bahay.

"Ba't sinundo mo pa ko?" Nakangiting tanong ko habang pinapanuod siyang ayusin ang motor niya sa garahe.

"Sabi ko 'di ba? See you ngayong 28" nakangiting sabi niya at inakbayan ako.

Iniwan ko muna siya sa sala para makapag bihis ng pambahay. Pagbalik ko sa sala ay tinabihan ko siya at nanuod kami ng horror movie.

Naka-akbay sya sakin at nakasandal lang ako sa braso niya.

Titili pag nagugulat tapos masusundan ng tawa. Tutok na tutok lang ako sa pinapanood ko hanggang matapos ng maramdaman kong bumigat ang balikat ko.

"Pangs?" Hinawakan ko pa ang mukha niya.

Nakatulog? Bastos!

Niyugyog ko pa siya at bahagya pa siyang bumangon at itinulak ako hanggang dulo ng sofa saka humiga sa hita ko.

Pinanood ko ang mukha niyang payapang natutulog habang hinahaplos ang buhok niya.

Ba't ba hindi nalang kasi ako? At kung ako man ang gusto mo ba't di ka pa umamin?! Pakshet ka! Araw-araw nalang akong kinikilig sa bawat paasa moments natin, kaso wala eh, best friends di ba?

"Pakshet ka!" Nakangusong bulong ko saka tinitigan ang labi niya.

Kung hindi lang lagpas sa limit natin, ikikiss kita eh! Napangisi pa ako sa naisip ko kaso baka masira tayo eh.. At hindi ko kakayanin yun.

Napatingin ako sa TV at tinitigan ang palabas na comedy pero hindi ko magets.

"Kelan mo ba ako makikita bilang si Allen na babae at may inilalaang pagmamahal sayo?!" Naiinis pa na bulong ko.

"Kapag pinayagan mo na akong lingunin ka"

Shit! Napalunok ako ng marahas bago yumuko at tinignan siya.

Nakangiti siyang tinignan ako.

"Kung papayagan mo kong tignan ka sa ibang anggulo, En. Kung hahayaan mo kong ligawan ka" biglang seryosong sabi niya.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makabangon siya at hawakan ang pisngi ko.

"Allen, I really want to take our relationship to its next level, I just need your permission.."

Waaaaahhhhhh!!!! N-no! N-no! This is not happening!

"Panget!" Tinapik pa niya ang pisngi ko at napahugot lang ako ng hangin dahil hindi na pala ako humihinga.

"Rodney.." Nanghihinang bulong ko.

Napangiti siya saka binitiwan ang pisngi ko.

"Hihintayin ko En. Hihintayin ko" he said at tumayo saka naglakad papuntang kusina.

OMG! Did he- did he just asked me that worth a million peso question?! Did he just asked me about the courting thingy?! I- I mean... Anong isinagot ko?!

Napakurap ako ng maglapag siya ng plato at pitsel sa center table saka ulit bumalik sa kusina.

Napatitig ako sa ensaymadang nasa plato.

Pakshet na yan! Ilang buwan na ba akong naghihintay na itanong niya yun?! Ta-tapos ngayong ti-tinanong na niya ko-

"Aaaayyyyy!!!" Inis na sigaw ko at tinuktok pa ang noo ko.

Napahinto ako ng makita siyang nakatingin sa akin at may bitbit na baso.

"Nagugulo ko ba ang isip mo?" Tanong niya habang nakangiti.

Pakshet ka! Huhu!

Napangisi pa siya "sabi naman sayo, ikaw ang nauna" kibit balikat niya at nagsalin ng juice sa baso.

"Gumaganti ka lang ehh!" Pagmamaktol ko at itinaas ang paa ko sa sofa.

"Madaya ka kasi" nakatawang sabi niya at inabot sakin ang isang baso ng juice.

"Pangs!" Nakangusong saway ko sa kanya.

"Ano? Hihintayin pa ba kitang mag-eighteen?" Nakangising sabi niya.

Sinimangutan ko siya at saka ininom ang juice ko tapos dumampot sa ensaymada.

"Sabi kasi ni Tita, ayos lang basta alam natin ang limit, sabi naman ni Kuya, ayos lang basta hindi tayo lalagpas sa limitation natin. Okay na sa kanila, ikaw na lang ang kulang" nakangiting sabi niya pa saka tumabi sa akin.

"Wag ako Pangs! Wag ako!" Naiinis na sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya.

Ayoko lang naman na masira kami. Kasi nga di ba? May lalaking binibest friends at may lalaking binoboyfriend. Tapos pano kung maging mag-ex kami? Hindi na maibabalik ang pagiging mag-kaibigan namin pag nagkataon. Saka sa friendship may forever!

"Sa love life wala!" Wala sa sariling nasabi ko at naramdaman ko pa ang paghinto niya sa pag-inom.

"Huh?" He said at dinungaw pa ang mukha ko.

Napaiwas ako ng tingin "wala!" Sabi ko at itinuloy ang pagkain.

"Gusto ko lang sabihin sayo na seryoso ako at hindi kita pinagtitripan kasi alam ko kung anong tumatakbo dyan sa isip mo!" He said in serious tone.

No! Hindi mo alam kung ano ang nasa isip ko at lalong hindi mo alam kung gaano kahirap sa puso ang nabubuo kong desisyon.. Huhu! Ba't kasi umamin ka pa ehh! Kuntento na nga ako dun sa alam mong crush kita tapos nakisakay ka pang pakshet ka!

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon