#25- MAMA ^^

6 1 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng lumabas kami ni Rodney pero para parin akong timang na hahawakan ang pendant ng kwintas ko saka ngingiti ng parang timang.

Kinikilig pa rin ako! Pakshet na yan!

Pag napapatingin ako kay Rodney ay hindi ko maiwasang kabahan at mapangiti ng walang dahilan.

Pag-ibig na kaya??

"Ano? Ngingiti ka nalang dyan?!" Mataray na sabi ni Joy.

Tinignan ko lang siya at nilawakan ang ngiti ko.

"Ay! Baliw na 'to!" Tumayo pa siya at itinuro ako.

"Hindi ka talaga magkukwento?!" Si Mav at iniharap pa ang upuan sa akin.

Ngumiti lang ako at umiling.

"Lakas men! Marijuana yan o shabu?!" Si Mav na natatawa pa.

Natawa rin ako at itinago sa loob ng uniform ko ang pendant ng kwintas.

"Kayo na noh?" Pamimilit ni Joy

Ngumiti lang ako ng malawak saka umiling.

"Pakshet ka?" Patanong na sabi ni Joy.

"Wala naman kasi akong ikukwento" nakangising sabi ko at tumayo na.

Palabas na ko ng classroom ng may umakbay sa akin at agad na nagwala ang puso ko at uminit ang buong paligid ko.

"Hindi talaga kayo aamin?!"

Hala sumunod pa talaga sila!

"Ano ba gusto mong malaman?" Nakangiting tanong ni Rodney.

"Kayo na ba?" Pangungulit ni Joy.

"Hindi" si Rodney.

"Eh y-yung kwintas?" Tanong ni Mav.

Agad akong namula at naging balisa. Shete! Gusto kong tumili!

"Regalo ko sa kanya" sagot naman ni Rodney.

"Anong regalo niya sayo?" Pamimilit pa ni Joy.

Napailing ako "t-shirt" sabi ko at ngumuso para pigilan ang ngiti ko.

"Tang ina! Iba na yan!" Natatawang sabi ni Joy.

"Best friends lang oy" sita ko pero siniringan lang nila ko ng tingin at nauna na silang bumaba.

"Abnormal!" Sabay naming nasabi ni Rodney at nagkatawanan nalang kami.

Dumeretso kami ng canteen, iniwan niya ko sa table at siya ang bumili ng pagkain namin.

Nagtitext ako ng may humila ng upuan sa tapat ko.

"Kamusta?"

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko at nakaramdam agad ako ng takot.

"A-ayos lang" sagot ko saka nag-angat ng tingin sa kanya.

"Natatakot ka sakin?" Nakangising sabi niya.

Napangiwi ako "hindi. Ikaw nga ang dapat matakot sa akin" malumanay na sabi ko.

Napatawa siya at nilaro ng daliri ang ibabang labi.

"Mas mapera pala siya sakin noh? Ganda ng kwintas mo eh" nakangising sabi niya.

Napataas ang kilay ko "ano bang kailangan mo?!" Inis na tanong ko.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon