#25- STATUS: SINGLE

9 1 0
                                    

Minsan sa sobrang saya ng mga nangyayari hindi mo na namamalayan ang oras. Gaya ngayon, semestral break na at isang linggo rin yun. Ibig sabihin isang linggong home school, syempre hindi kami hahayaang mag-enjoy ng mga teacher namin kaya nagpabaon sila ng tambak na activities namin.

Ultimo intrams week hindi ko namalayan dahil naglamyerda lang naman kami ng mga kaibigan ko kung saan-saan.

Yung cellphone ko din pala luckily gumagana pa.

Nakatunga-nga lang ako sa study table ko ng may kumatok sa pinto.

Tumayo ako at binuksan ang pinto at agad bumungad sakin ang gwapo kong best friend.

"Anong dala mo?" Nakangiting sabi ko ng makita ang plastic na dala niya.

"Pagkain" nakangiting sabi niya at pumasok na sa bahay.

At home na talaga ang loko!

Dumeretso kami sa kusina at inayos niya ang dala niyang palabok at puto.

"Bibili akong softdrinks" nakangiting sabi ko.

"Juice nalang" pahabol niya at kinuha ko ang wallet ko saka lumabas.

Bumalik ako at naabutan ko siya sa study table ko na nagsusulat.

"Ano yan?" Takang tanong ko at sinilip ang ginagawa niya.

Math activity?

"Sinasagutan ko na" nakangiting sabi niya at tinuloy ang pagcocompute.

"Oy! Kaya ko namang sagutan yan noh!" Nakangiting sabi ko.

Ngumisi siya "talaga lang ah" at saka itinuloy ang ginagawa.

Sira ulo 'to ah!!

"Hoy! Oo naman noh!" Inis kunwaring sabi ko

"Edi sige" sabi niya at binitiwan ang ballpen.

Agad ko naman siyang pinigilan sa balikat "joke lang" tumawa pa ako ng peke "wag mo nalang iperfect" ngumisi pa ako at iniwan siya.

Nagtimpla lang ako ng juice at nakita kong nakatakip ng colander ang palabok at puto na dala niya.

So sweet.

"Pangs kain tayo" tawag ko sa kanya at umupo na.

Tumabi siya sakin at sabay kaming kumain.

"Ba't ka nga pala nandito?" Tanong ko habang ngumunguya.

"Namimiss na kasi kita, naging busy kasi tayo bago break eh" deretsong sabi niya.

Pigil-pigil ko ang ngiti ko at uminom nalang ako ng juice.

"Kinikilig ka nanaman!" Natatawang sabi niya at siniringan ko lang siya ng tingin.

"Sus! Kunwari pa!" Pang-aasar pa niya.

Tinapos ko ang mapaginarte kong pag-inom saka siya full force na hinampas sa braso.

"Aray!" Hinaplos pa niya ang braso niya.

"Loko ka ah!" Nangingiting sabi ko.

"Kamay na bakal!" Nakangiwing sabi niya.

Yumuko lang ako sa balikat niya at kinagat siya.

"Aahhh ahhh aray!" Sigaw niya at kinurot ang tagiliran ko.

"Aray!" Nakangusong sabi ko at kunwari pang sinilip ang kinurot niya "hala namula" dagdag ko pa.

CHASING ALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon